TEACHER MAN

kakatapos ko lang basahin ang “teacher man” ni Frank McCourt. siya yung kilalang author na gumawa ng “angelas ashes“, isa sa mga paborito ni jet na libro. dito siya nanalo ng pulitzer prize at ginawa rin ata itong pelikula. marami ang hindi nakaka alam na bago naging isang sikat na author si mccourt eh naging guro muna siya. in fact, “teacher man” is a memoir about the 30 years he spent as a new york city public school english teacher. kung mayroon kayong mga aspirations na tulad kong maging isang guro one day, magandang inspiration ang librong ito. ang balak ko kasi ay uwuwi sa pilipinas one day at magturo na lang. wala, gusto ko lang ibalik lahat ng mga natutunan kong katarantaduhan sa buhay. baka nga pwedeng pagsamahin ang mga gusto kong gawin pag retire ko. iniisip ko nga during the day time ay teacher. pag gabi naman ay karaoke singer.

18 thoughts on “TEACHER MAN

  1. “Teacher Man” gave me so much inspiration. Dami kasing pagsubok dito. Pinalakas ng librong ito ang loob ko. Sana matupad mo ang pangarap mong maging teacher. Kita kita tayo sa Pinas pag retire natin.

  2. Hindi ko alam na memoirs pala niya ito. Sige, babasahin ko din yan. Pag umuwi tayo at naging teacher ka sa public school mylab, magtatayo naman ako ng karinderya ha. 🙂

    Labyu!

  3. isa talaga sa childhood dream ko ang maging teacher. sana balang araw. kung magiging karaoke singer ka sa gabi at si ate jet naman ay magkakarindirya ako nman magbebenta ng kung ano-ano sa mag-aaral. hahaha. ang di bumili bagsak!!! hahaha 🙂

  4. nakakuha na naman ako ng tip sayo bosing. Thanks.

    Sana nga makapagturo ka later. Sayang ang kaalamang taglay mo. And during that time, pwede na kitang samahang tumugtog hehe.

  5. Nag-sekontot ako na bilin yang “Teacher Man”, but now I’ll give it a try too. I liked Angela’s Ashes, naiyak ako dun. I also liked the second-the-motion “‘Tis”.

  6. hi batjay,

    uy, napakagaling na vocation na maging teacher, parang si tito rolly. yun sana ang isa sa gusto ko maging. yung anak ko na nag e-english lit, she’ll be a writer and a teacher daw. kainggit 🙂

  7. angela’s ashes has a pretty genesis: after assigning his students at stuyvesant to write their memoirs for their english class, mr. mccourt was in turn convinced by them to do his, too. the rest of course was history.

    i have autographed copies of both aa and ’tis (’tis happens to be the last chapter/word in aa) but mccourt must have been hit by the sophomore jinx because the 2nd book, unlike aa, was utterly disappointing.

    i’ll probably give teacher man a try. and only because you endorsed it.

  8. autographed copied from frank mccourt – how cool is that? galing naman. i haven’t read angela’s ashes. well not yet – it just sits in our book shelf in the philippines waiting for the day when i’ll pick it up. jet loved it though.

    i did like teacher man. probably because i am a sucker for stories about teachersa and mccourt is a good story teller. there is a lot in common between the irish and the pinoy. i can’t exactly pinpoint it but i guess its probably because we’ve both been ridiculed for so long as a people and our main weapon to counter this is humor and a twisted yet brave view of life.

  9. hello misisP.

    oo nga, gusto kong gawing vocation yung permanent vacation. balak nga namin mag retire somewhere in the south. perhaps davao or dumaguete, both places jet and i love. tapos i’ll apply for a teaching job in a small school somewhere.

    good luck sa iyong anak. nakaka inggit sila ano, they have their youth and a lifetime ahead to make all those mistakes. hehehe.

  10. pag umuwi kami sir at hindi mo pa rin ito nababasa, ipapahiram ko sa iyo ang libro. bagay ito sa iyo at sigurado ako na makakapag identify ka kay mccourt.

    oo nga, pag retire ko ay pwede na tayong mag combo part time at teacher full time.

  11. ooppsss i ddnt know na TEACHER MAN pala feature mo sa issue na ito, eh sa Bberks pa naman ako nagtanong at nakiusap kina Mec na if ever they would find one (kahit yung second hand ok na yon sa akin kase even 20% off sa powerbooks, it still costs more than 1K) paabisuhan lang ako.. Target ko talagang basahin ang teacher man simula nung natapos ko yung “tis” yung sequel ng “Angela’s Ashes”…

    tagal ko na hindi nakadalaw dito Sir, hope you are enjoying and doing great in OC

  12. Ka BongK. kamusta ka na? welcome back, miss na ko na nga ang mga dalaw mo. maganda nga ang teacher man. sigurado akong magugustuhan mo ito dahil fan ka ni mccourt. sana mag sale na riyan. dito ay may 15% discount kaya mga 750 pesos.

  13. nakakalungkot, mr mccourt passed away last sunday. but at least andami niyang naiwan na mahuhusay na kwento sa pamamagitan ng mga libro nya. itong TEACHER MAN lang ang nabasa ko sa mga gawa nya pero sapat na upang makita yung kwento ng buhay nya pati yung mga aral para sa guro at estudyante =]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.