TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 2

nung nagsimula akong mag college nung 1983, buhay pa si ninoy aquino at rolando galman. ang tuition ko ng isang sem ay 975 pesos. galante ang mapua nung araw at walang increase sa tuition fee from first year hanggang sa mag graduate ka. magkano ang ginastos ko para sa limang taong pag-aaral? teka at ma compute nga: 975 rounded off to 1,000 pesos taymis 2 sems per year equals 2,000 pesos taymis 5 years of engineering equals 10,000 pesos. sige, sabihin na nating additional 500 para sa summer classes every year, that’s still… teka at ma compute nga: 500 taymis 5 equals 2,500 plus 10,000 equals 12,500 pesoses. still cheap para sa isang engineering degree.

ngayon ang balita ko, kailangan mong magbayad ng 100,000 pesoses para isang taong tuition fee sa mapua. at ginawa pa raw na pito ang semester every year para mas malaki pa ang babayaran mo. putanginangyan. kung ngayon ako nag college, baka natuloy akong mag-aral ng pangkukulot sa beauty school ni madam auring dahil wala akong perang ipambabayad kahit mag callboy ako sa quezon memorial circle ng MWF. sino na lang ang nakakapag-aral sa mga ganitong school?

baka yung mga anak na lang ng mga OFW at yung mga dati nang mayaman. yung mga ibang pinanganak na matalino pero walang perang pambayad ng magandang edukasyon ay nagkakamot na lang ng bayag sa kanto at nag-iisip kung paano magnakaw.

54 thoughts on “TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 2

  1. nung nag aaral ako sa mapua nabubuhay lang kami sa OT. khit mahirap maabsorb ang mga tinuturo eh nakakalusot naman. sayang lang wala na ang dating system ng tuition sa mapua. sana hindi binenta ni Sir OBI ung mapua at hindi nakinig sa mga LIM na walang pakiaalam sa system ng education na binibigay ng institusyon ng tulad ng MAPUA.

  2. You are right, but still there are existing schools other than MAPUA.Schools that have an excellent service for the students….Di naman siguro papasok ng isang parents ang anak nila sa isang school like mapua not knowing the tuition fee and other miscellaneous isnt’t it?

  3. Nakakapagod ang quarterm. Parang gusto patayin… ikaw at ang mga pangarap mo. Sana nga hindi binenta ni Sir Obi ang skul.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *