TAKE ME TO A ZOO THAT’S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

KUALA LUMPUR – a 70 year old malaysian man, shot his wife using a shotgun pagkatapos niya itong mapagkamalan na isang unggoy na namimitas ng mangosteen sa kanilang backyard. napagalaman na ang kanyang 68 yr old wife ay gumamit ng hagdan para umakyat sa mangosteen tree nang ito’y mabaril. di na ito umabot sa hospital ng buhay.

MORAL LESSONS: 1. huwag kang aakyat ng puno pag ikaw ay may asawang galit sa unggoy. 2. kung gusto mong barilin ang asawa mo, huwag mo na siyang paakyatin pa ng puno. 3. next time, find a better alibi – don’t use da poor monkey as an excuse.

OTHER NEWS, REVIEWS AND RECOMMENDATIONS:

heto nga pala ang mga recommendations ko kung saan masarap kumain, kung ano ang masarap kainin, kung saang pinoy blog ang masarap basahin at kung ano ang latest sa aming dalawa ni jet. pinagsama-sama ko na sa isang listahan para madaling basahin.

1. EATING OUT: nagdinner kami kagabi nina jet at ang pamangkin kong sara and her freind rena (hindi renal, ok) sa aming all time peborit “Lemongrass Thai Restaurant”. nakatikim na naman ako ng special nilang “green curry beef”. nakakatuwa kagabi yung isang kalbong waiter na halos ampunin kami sa sobrang bait. what a sweet guy – he treated us very attentively and even gave us complimentary dessert. apparently, tumira siya at nagtrabaho sa pilipinas and he enjoyed it so much that he was willing to treat us singapore based pinoys to free dessert.

2. CHINESE FOOD: speaking about pagkain. if you’re in singapore at gusto ninyo ng pagkaing mura, malasa at malinamnam: try the BCH pork jerky and bakwa. ito ang isa sa mga paborito naming snack ni jet. lalong lalo na ang kanilang special na gourmet bakwa. the bacon like meat melts in your mouth at talagang napaka-packinsheet-ka-sa-sarap. we normally buy this para snack pag nanood kami ng sine. it really is good.

3. D’LATEST FROM JET: speaking about jet – nag break ulit ang misis ko sa kanyang "hiatus" upang ibalita ang kanyang experience sa bagong "sims 2 game" na regalo ko sa kanya. you can also read about her battle with antok. hehe. visit her blog site and share a laugh or two with her.

4. PINOY BLOGS TO VISIT: here are a few sites na highly recommended ko. go ahead and visit them tapos leave a note telling them na ako nag nag rekomenda sa inyo. hehehe. four new sites for your reading play-sure.

4.1 A Den of Slack ni erika. magaling magsulat kahit may phobia siya sa mga paruparo. simple lang pero nakakatawa ang mga kwento at alam mo na mayroong laman ang pagitan ng kanyang mga tenga. isa sa mga bago kong peborit.

4.2 “Moments, Merely” ni diwata nakpil at “The Color of Raine” ni raine. pinupuntahan ko para makapagbasa ng blog ng mga taong obviously much younger than i am. oo virginia – matanda na ako. i will be turning 39 this year and the best way para “young at heart” pa rin ang pakiramdam ko ay makitsismis sa mga nangyayari sa buhay ng mga mas bata sa iyo. try visiting these two sites.

4.3 Dinsworld ni ate dindin. devoted to her family, friends and her mac. i hope in than order. hehe. kaibigan nina ate sienna, junnie at AnP. maganda ang mga kuha niya ng mga bulaklak, nakakatuwa ang kanyang anak na babae at magaling ang kanyang elevator stories.

5. I’M COMING: uwi nga pala ako sa linggo sa pilipinas. one week business trip. sandali lang. di ako masyadong excited dahil maiiwan si jet sa singapore. but i do hope to meet some friends for drinks. of course, i also want to see my family and visit our home and garden in antipolo.

23 thoughts on “TAKE ME TO A ZOO THAT’S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

  1. ayos talaga yang pork jerky na yan!!! pinananaginipan ko pa yan nung bata ako… basta friday night na, di na ako makatulog, kasi trip to binondo na ng saturday (once a month happy yan)

    sarap!!! kakainis lang kasi si alternative BCH eh nagsara na… isang branch na lang raw at medyo malayu-layo pa sa amin… sigh…

  2. kami ni jet, sigurado every time we go out and we see a BCH bakwa shop, we immediately buy 200 grams ng gourmet bakwa – sarap talaga. the bacon like meat melts in your mouth. baon namin ni jet sa sine, pag naglalakad, ulam for lunch, take home sa bahay, etc. etc. etc.

    na addict na nga kami doon.

  3. err… dapat ata me nagsabi dun sa wife na pag edad 68 na sya, nde na sya dapat palaakyat ng puno

    atsaka… bakit hamit-na-hamit naman yung lalaking bumaril ng unggoy?

  4. hi mec.

    ano ba ang ibig sabihin ng “hamit-na-hamit”? hehe… sorry ha, special child ako eh. oo nga ano – bakit ba pinayagang umakyat sa puno ang isang 68 year old lady? baka talagang set-up. di naman siguro. baka active lang talaga silang pareho.

  5. ang alam ko ang ibig sabihin ng “hamit-na-hamit” eh “dyatik-na-dyatik” or “atat-na-atat”, siguro eh nuon pa gustong gawin ni lolo ang pag baril kay lola at ngayon lang nya naisip na mag alibi sa pag baril ng unggoy. baka may natipuhan ng iba si lolo hehehehhe

  6. Uuyyyy, Andrew Lloyd Webber na kanta ‘yan ah. Love that. There’s another song from the same musicale. “Take that look of your face.” Pwede ring dedicated sa mga unggoy-looking.

  7. dir batjay – para atang merong dyok na katulad ang nangyari dito sa news mo. Tungkol dun sa pari at sa isang ginang na umakyat ng puno at binigyan ng pari ng pambili ng blade yung ginang? sori po at di ko na matandaan.

  8. uy, ate sassy. mahilig ka pala sa mga musical. ngyahaha… isa sa mga peborit songs ko ang “tell me on a sunday”. malungkot at napakasarap pakinggan.

    speaking of musicals – palabas ngayon dito sa singapore ang musical na “mamma mia”. papanoorin nga naman ito ni jet pagbalik ko.

  9. ok nga si lloyd webber. especially cats and phantom. pero all time peborit ko ay ang les mis. i had the chance to watch it in broadway and i slept through most of it. dang! nakakainis. hehe. kakadating lang kasi from manila at diretso na agad sa pagnood. never again.

  10. Baka gamiting alibi yan ng mga galit sa asawa.
    Sabihing akala nila unggoy na nakaupo, unggoy na pumasok bigla at yong iba uungoy unggoy.
    Alam mo ba kung paano mang-unggoy ang pusa ?
    bulognbulongbulong

  11. treseng anak? naku di kaya naglilihi ulit kaya namitas ng mangosteen? ayaw na siguro ng ika-14 ng lolo. (naku! baka ma-mumo ako non) peace be with lola.

  12. tell me on a sunday ha. isa din yan sa favorites ko. kasi theme song ko daw yan kunyari. hehehe. maganda din yung “with one look” atsaka “as if we never said goodbye” ng sunset boulevard.

    at dun sa lola na umaakyat, palagay ko hinintay lang talaga ni lolo ang pagkakataon all these years. hehehe.

  13. hi jessie. yan nga rin ang suspetsa ko – waiting lang si lolo na barilin si lola. the tree climbing thing was the best opportunity. it’s tragic but it’s kind of funny. yang tell me on a sunday – paborito ko rin. i love the great bittersweet lyrics.

    ang laki nga ng hinayang ko ate sassy. i slept through some parts. well most parts. hehehe. but i was awake nung “on my own”. sana mayron pang opportunity in the future. kaya lang sarado na ata both in england and new york.

    NINAAAAAAAAAAAAAAANG! sige dadalhan kita ng daing kasi i am daing to see you na eh. hehehe.

    13 children indeed. ang dami ano? naku – hehehe. baka naglilihi nga si lola! incidentally – mangosteen is my all time peborit fruit.

    hi cathy! alam mo ba kung paano mang-unggoy ang paniki? bulongbulongbulongbulongbulong. hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *