TAKE A SAD SONG AND MAKE IT BETTER

si pyro ay isang cute na three year old kid. tulad ng maraming normal na bata sa pilipinas, mahilig si pyro sa wrestling. in fact, alam niya na may SMACKDOWN sa pilipinas itong darating na october. pero hindi normal na batang pinoy si pyro. mayroon kasi siyang lung cancer and all his life ay laman siya ng hospital dahil kailangan niya ng surgery at chemotheraphy para matanggal ang tumor niya sa lungs. during one of his chemo treatments, napanood ni pyro si batista. nasa pilipinas na pala itong pro wrestler na may dugong pinoy at umiikot sa mga mall para mag promote. biglang naglambing ang bata – baka raw pwedeng dumalaw si batista sa kanya. nakita niya kasi sa TV na maraming mga batang tulad niya ang lumalapit sa wrestler para magpakuha ng litrato.

PY-TY

baka naman mayroon nagbabasa nitong post na may kakilala sa mga organizer ng wrestling smackdown sa pilipinas ang pwedeng magmalasakit – sabihan nyo naman si batista na bumisita sa hospital ni pyro para naman matuwa ang bata kahit papano.


ps. kung gusto ninyong makatulong, pwede ninyong i-contact si mec, ang auntie ni pyro. baka naman pwede rin kayong gumawa ng blog post tungkol dito, o kaya ay sumulat sa mga diyaryo at sa mga TV network sa maynila para mag special request. finally, if your name is “god”, “mary”, “jesus” or “saint jude”: gardenget, now is the time to do your jobs and make the miracle happen.

19 thoughts on “TAKE A SAD SONG AND MAKE IT BETTER

  1. isa ito sa mga regrets ko, not being updated with the berks. bosing kung may second round tayo ng tulong, sali ako ha? did you like your graphic novel?

  2. hi, kuya batjay.

    i took the time to email batista’s official site and tell them all about pyro, because they said that fan mail might be given to him. i emailed them despite the warning that he might not be able to read every mail.

    sana pumasok ang sulat ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *