airdrop him into Antarctica, & he’s just a penguin’s bitch

dear unkyel batjay,

alam ko po na matagal kayong tumira sa singapore at marami kayong alam sa history at culture nito. interested po kasi ako doon sa “merlion“, na pinaka symbol ng singapore – ito po yung half lion at half fish na mythological creature na parating nasa mga travel brochure at postcards na galing sa singapore. mayroon po ba kayong background kwento tungkol sa creature na ito? kakaintriga po kasi ako eh. saan po ba ito nanggaling? bakit po ganoon ang hitsura niya? yon lang po unkyel at kamusta na lang sa inyo.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

yung leon kasi at yung galunggong ay nag sex. nabuntis ang galunggong at ang lumabas ay merlion. actually, parang ganito rin nagsimula ang siokoy. doon sa siokoy naman, may nag sex na babaing bangus at bading na mangkukulot.

ingat,
unkyel batjay

23 thoughts on “airdrop him into Antarctica, & he’s just a penguin’s bitch

  1. Deark unkyel batjay,

    Maraming salamat sa Maykapal at ako’y napadpad dito sa iyong blog.

    Aba, noong una kong pagparito ay buong araw ko yatang binasa ang ka-blogan ninyo. Tawa ako ng tawa, kahit mag-isa lang ako.

    Eniwey, dagdag tanong lang po sa tanong ni gentle reader. (Lahat po ba ng readers ninyo ay gentle? Teka, di po yan ang tanong ko.)

    Ang Merlion ba ng Singapore ay kamaganak ng sealion ng Presidential Seal ng Pilipinas?

    Lubos na marahan,
    GOwin

  2. hehehe. talaga lang koyang, kahit estetsayd ka na, di mo pa rin makalimutan ang singapore, ‘no?
    nadalaw lang po, nagpapa-alis lang ng stress…

  3. buti ka pa ankel batjay at napadpad ka ng matagal dyan sa bansa ng mga ginahasang galunggong.

    Ako eh, hanggang airport lang, stop-over lang tapos nagtuluy-tuloy sa masangsang na lugar ng Malaysia (boleh!)

  4. Bah, ‘bat walang gentlelola?

    Magandang diversion ang blog mo lalo na ngayon with all the happenings in NO. I started going back to the old entries and can’t help but laughed my head off with some of those amusing anecdotes. Ay naku, “Eskapo sa Mental”, palitan mo na si Jay Leno or kaya si Dave Letterman.

    Lola Baby

  5. hello batjay!
    si mystic po ito (yung fan ni john irving)..just got back from your beloved singapore…pinapunta ako dun ng head opis namin last week para sa meetings (suntec)…anyways, naalala ko yung mga kwento mo abt riding the mrt kasabay ang mga taong sobrang lakas ang putok! hehehe..pansin ko lang na pati ang trains may kakaibang amoy…pero hanga ako sa efficiency ng transport system nila…at nga pala natikman ko ulit ang favorite kong popiah …yun lang po!

  6. hey mystic na fan ni john irving. napunta ka pala sa aking pinakamamahal na singapore. buti ka pa. mahilig ka rin pala sa popiah. ako rin. type ko yung popiah sa east coast park – spicy at maraming bawang. naglaway tuloy ako.

    mayroon ka na ba ng “until i find you” – that’s the new novel of john irving. i got a copy during the flight from singapore to LA. nasa bedside table ko na’t hinihintay na akong basahin ko siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *