Looks like morning in your eyes

nagkaroon ng synchronicity kaninang umaga nung naglalakad ako. biglang tumugtog sa music player ko yung “sunrise” ni norah jones habang tamang tama ay papasikat ang araw. bagay na bagay talaga – parang gusto ko ngang maiyak because it was a perfect moment. medyo pumipikit pikit pa nga ako at ninanamnam ko ang kanta ng may pumara na kotse sa tabi ko. nagulat nga ako dahil akala ko kikidnapin ako. muntik na nga akong mapasigaw ng “huwag po, huwag po” pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong bigla na nasa ‘merika na pala ako.


nagbukas ng bintana ang driver – babae na middle aged. pinapasakay ako sa kotse niya – “where are you headed? c’mon and i’ll give you a lift”. i know it probably was a kind gesture on her part pero ewan ko, parang kinurot ang puso ko ng kaunti. siguro overreacting lang ako pero naisip ko kasi, kung kulay puti ang balat ko at hindi ganitong kutis betlog, gagawin kaya niya iyon? ang daming mga joggers sa kalye, ako pa napili niya. ang dami ko ngang naisip na mga reply na pwedeng isagot.

A. what are you taking me for? granted?

B. ‘tangina may kotse rin ako!

C. what are you trying to exit? (in tagalog: ano ang gusto mong palabasin?)

D. sorry, i’m already married

eventually naisip ko yung sinabi ni junnie na iwanan sa pilipinas ang pride kaya sabi ko na lang, “no thank you ma’am. i don’t need a ride – i am working out”. with matching matamis na ngiti. kahit mayroon kang mga masamang iniisip para itama yung akala mo ay insulto sa iyo, (here we go with my most detested catch phrase of all time) AT THE END OF THE DAY, good manners pa rin ang mananaig. and besides…

16 thoughts on “Looks like morning in your eyes

  1. Actually may kabaitang taglay talaga ang mga amerikano puti man o itim. Sa ganyang situwasyon siguro tatanungin ko sya ng: “Ma’m, kukuha ka?”

  2. Yan ata isa sa mga hindi maganda jan sa merika no? Lahat ng gestures iisipin mo munang mabuti kung ano ang kahulugan.

    Baka naman naghahanap ng goodtime yung babaeng yun kaya gusto kang pick-upin. You should be flattered then. ibig sabihin, pwede kang pokpok ng mga matrona. haha

  3. si jet sinasabihan ako na huwag pansinin yon dahil well meaning naman yung babae. iniisip ko naman, hindi ko kailangan ng ganoong klaseng show of kindness. ayokong ayoko kasi na typecasted ang beauty ko – na porke brown ang kulay ng skin ko ay kailangan ko ng libreng sakay.

    pero, baka nga type niya ako. ang pogi pogi ko kasi ngayon eh. BWAHAHAHAHA!

  4. BOSSSIIINNNGGG!!

    kaw talaga, ang byuti mo, pati sa mga namimik-up maappeal. ang galing suguro ng moment na yon, synchronized ang sunrise sa kanta ni ate guy, este norah.

  5. ang sarap nga ng may iPod pag naglalakad mag-isa. ang ginagawa ko ay inilalagay ko sa shuffle kaya random ang pag play ng mga kanta. more often than not, tamang tama ang tema ng mga kanta sa mood at location kung saan ako naglalakad. parang magic nga.

  6. Naiintindihan ko naman ang punto mo mylab. It’s just that I still want to believe in the little random acts of kindness and that people are still really capable of them.

  7. it was an act of kindness, mylab. it really was good intentioned and sincere. ayoko nga lang na typecasted. i don’t want people making assumptions of what i am as a person just by looking at me.

  8. para sa kin, friendly talaga ang mga ‘merikano. they usually greet strangers. it seem like they’re very happy, smiley people. especially those in the part of california. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *