Strangers passing in the street

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

18 thoughts on “Strangers passing in the street

  1. LOL. nakakarelate ako sa post mong ito. ngayong nakatira na ako dito sa amerika nang matagal-tagal na panahon. halos automatic na ang pagbati ko. minsan nga sobrang automatic, nauuna na yung follow up question ko bago pa sumagot yung tinatanong ko.
    minsan naman nabati kong happy birthday yung isa kong kasamahan, but what i wanted to say was, happy new year.
    low batt na yata ako noon.

  2. kahit na mali pa ang sagot mo kung minsan, automatic pa rin ang response nila, na mali na rin! kung minsan naman ay nagkabatian kayo sa hallway o sa elevator sa umaga, then again pag-lunch break, then again pagbalik mo from lunch, and then again paglabas mo after work. abay mas madalas pa kesa sa pagbati mo sa misis mo in one day. pero i’m not sure if you folks realize na this type of common courtesy is prevalent only in some states, mostly in the western region specially sa California. Sa NY ay titignan ka ng masama, or mumurahin ka, or worst hoholdapin ka dahil obvious na di ka taga roon.

  3. dencio,
    alam mo, napansin din ng mga kaibigan kong pinoy from the other states na karamihan ng tao sa NY ay suplado. siempre di ko pansin kasi taga east coast ako, when we went down south, sobrang ang babait at palabati ng tao.

  4. ehehe… natawa naman ako sa comment ni Tito Rolly 😀

    iniisip ko ngayon kung kinuwento din niya yun sa asawa niya pag-uwi niya ng bahay… hehe

  5. ganoong ba? maganda naman ang experience ko sa new york. hehehe… nauto pa nga ako doon sa times square at napabili tuloy ako ng mahal na camera. bwakanginang mga yon.

  6. tito rolly – hindi na ata sila maiiwasan. ang daming bumbay din dito sa california. yung mga IT personnel ng maraming mga company at yung software development din. sa opis nga namin parang ADB sa maynila. Ang Daming Bumbay.

  7. Sir Batjay,
    Patok yung ADB joke mo. Napakalaking contrast niyan sa mga Asians. Dito sa SG, nahihiyang bumati ang mga tao sa’yo pero once they do full of sincerity talaga kasi babatiin ka lang ng complete strangers dito pag close kayo.

  8. yung mga neighbors namin sa singapore kabatian ko. kaya lang puro hi and hello lang o kaya ay ngiti. medyo mahiyain kasi ang mga asians. kahit naman dito. more often than not pag may nakasalubong akong asian, hindi ako binabati. wala ring eye contact kaya mahirap bumati.

  9. all about indians! so interesting.

    but it happened once to me, binati ako ng isang barkada ng “happy birthday”. i replied “same to you!”

  10. Ang labo ng sinabi ko dun — “babatiin ka lang ng complete strangers dito pag close kayo”. What I meant was, malamang na acquainted na kayo somehow bago ka batiin ng isang Asian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *