Stood up, walked across to the joint

simula nung sabado, nagtaas na naman ang presyo ng sigarillo sa singapore. ang isang kaha ng marlboro ngayon ay $11 na (mga humigit kulang na 330 pesoses). tumaas ng $1.50 mula sa dating $8.50 (280 pesoses). nung una akong dumating sa singapore nung 2001, ang presyo ng isang kaha ay $ 4.50 (mga 148 pesoses). ang laki ng tinaas sa apat na taon, ano? maghihirap ka talaga rito sa singapore pag may bisyo ka. buti na lang nahinto na ako.

i used to be a one pack a day smoker at tumigil lang ako pagtapos sumabog ang appendix ko. teka lang ha… gumawa ulit tayo ng computation kung magkano ang natitipid ko sa isang buwan dahil sa aking paghinto: 330 pesos/pack taymis 30 days equals 9900 pesoses. pakingsheet. samakatwid, based on the facts which cannot be denied, sa isang taon, ang matitipid ko ay umaatikabong 118,800 pesoses. pwede na itong gawing pang down sa bahay sa pilipinas. double packingsheet.

gaano ito kamahal? gagawa ako ng comparison… ang halaga ngayon ng budget airline ticket from singapore to thailand ay S$20. samakatwid kung smoker pa ako, huwag lang akong manigarillo ng dalawang araw ay makakapag bakasyon ako sa phuket. magandang magpunta roon ngayon dahil mura pa rin gawa ng tsunami fears. eto ngayon ang tanong: kung silent “T” ang tamang pronounciation ng tsunami, silent “T” din ba ang pronounciation ng phuket?

20 thoughts on “Stood up, walked across to the joint

  1. batjay, before nakakaubos din ako ng 1 pack per day but now tigil na ko (cold turkey ginawa ko)… 2 months na kong smoke free… buti na lang nakaya ko lintek kasi ang presyo ng yosi dito sa sing…

  2. good for you jonathan. nag cold turkey rin ako at 9 months na akong smoke free. basta, eto na lang gawin mo, pag natutukso kang manigarillo, isipin mo na lang na 118,000 pesos per year ang matitipid mo. aba, pwede mo na itong pang downpayment sa bahay sa pilipinas.

  3. kahit anong candy para mawala ang craving sa smoking ay pwede. medyo babantayan mo lang dahil sweets and food normally ang kapalit ng sigarillo. nakakataba ito. baka sa obesity ka mamatay at hindi sa lung cancer.

    at saka nga pala, hindi ako tsong.

  4. E kung dyan pala ko bumibili ng sigarilyo e ang laki na pala ng natipid ko simula ng huminto ako ano? Dito sa Pilipinas mura lang sigarilyo e. P25.00 lang kada araw. Hindi pa rin pala ko makakapunta ng Phuket with a pronounced T.

  5. Dear Jay and Jet,
    isang short paramdam lang–hehee! medyo busy lang dahil sa sobrang daming tarbaho.henewi, kailangang matupad na ang ating deacon blues weekend 🙂

  6. tama yan. at least diyan tumataas ang presyo. dito sa toronto, alta-presyon ang mga nagsisigarilyo at wala na silang lugar na magawa ang kanilang pagbubuga….bawal sa lahat ng lugar na may bubong at may ibang tao. hindi tulad ng pinas, bawal ang sigarilyo sa ibang bars…pero ang cigar ok lang daw.

  7. BOSS DENGX!!!

    kamusta ka na sir – long time no hear. medyo mag-isa ako ngayon at nasa US si jet. kaya pwede mo akong hilahin anytime for ourdeacon blues weekend. miss ka na namin sir. pero actually hindi masyado kasi nakikita ko ang mga art work mo all over the city – kahit saan ako tumingin ay may gawa ka. sa bus stop, sa bus, sa mall, sa toilet at kung saan saan pa.

    ingat sir at timbrehan mo lang ako pag ready ka na!

  8. oo nga tito rolly. marami kang matitipid kung dito ka smoker. alam mo, ang nakikita ko rito ay maraming nagshift sa hand rolled cigarettes. uyng guard namin sa ibaba – pag tinitingnan ko siya eh parang may joint na nakasalpak sa bibig niya. para tuloy gusto kong sumigaw ng “sindihan na yan!”

  9. basta ako, gusto kong ipaalam sa inyo na “z” ang last letter ng last name ko at hindi “s”. Otherwise, pwede nyo ko tawaging “mrs. plural”. hehehe.

    bilib ako sa inyo mr. batjay. ako kasi hanggang 1 week lang ang tibay ko sa pagkuquit.

    lui poquiz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *