STIR FRIED NA PAG-IBIG

nininerbyos ako ngayon. mas enjoy ko pa kasing mag hiwa ng bawang kaysa magtrabaho. hehe. nag-aaral akong magluto at pinag eekspereminentuhan ko ang asawa ko. pag di niyo siya nakitang on-line itong mga darating na araw, ibig sabihiin, hindi ako nagtagumpay. bakit cooking? ala lang. gusto ko lang idagdag ito sa listahan ng aking spectacular talents. nagsabi na ako sa kanila. suportado naman ako ng pamilya sa balak kong ito. mwahahaha. aaminin ko, hindi ako natutong magluto nung bata ako. yan ang napala ng spoiled na bunso. ngayong taon nga lang ako natututong magsaing. lately, nag-aaral akong mag stir fry. stir fry this, stir fry that.

para sa hapunan ngayong gabi, nagluto ako ng beef and mushroom with oyster sauce at stir fried spinach. hindi masyadong masarap yung beef dish pero may pag asa yung stir fried. ok lang, bata pa naman ako. at 38, i am learning to become a cook. today, stir fried. tomorrow? the world! BWAHAHAHAHA! (tawang demonyo)

baka mayron kayong gustong matikman, sabihin nyo lang sakin. pero huwag yung mahihirap tulad ng adobo o kaya sinigang. sa stir fried muna tayo mag concentrate.

18 thoughts on “STIR FRIED NA PAG-IBIG

  1. how bout um… stir fried… emm.. eggs? hahaha.. parang scrambled eggs lang yun ah.

    kelangan matuto na nga rin ako magluto eh. well i’m good with pasta and umm. soups pero wala akong alam sa pinoy food. kawawa naman yung magiging asawa ko. hehehe… magugutom ata. :p

  2. Sabi naman sayo mylab e. Kung maaga-aga kang nag-tinker sa kusina, you’d be an accomplished cook by now. As it is, you can whip up a dish with a minimum of ingredients and almost always, nabu-bull’s eye mo naman kahit sa first try pa lang.

    Ako na lang kaya ang maging engineer? hehe πŸ™‚

  3. i remembered when i got married, i bought few recipe books sa takot, haven’t got the chance to experiment when still single but good for me, marami na ko natututunan sa pagluluto ngayon…

    just keep on trying….

  4. Ang galeng-galeng naman. Uy, batjay, namumulaklak na naman yung lavender na gumamela ko. nilagay ko sa photoblog. para parating in bloom. πŸ™‚

  5. Actually, mas nauna kong natutunan ang sinigang na hipon sa lahat ng pwedeng iluto. Salamat sa Knorr Sinigang na Sampalok. hehe. πŸ™‚

  6. batjay my amzing singing cook, engineer and all time comikero… aba’t nagaadventures ka na pala sa kusina. naks! good luck.
    ako dati mahilig din sa stir fry. kaso matrabaho sa pagsa-slice ng mga ingredients…. ang solusyon. si friendly neighborheed chinese delivery sa tapat. ayos sa buto-buto at walang pagod. hehe.
    hmmm, kung gusto mo ng mga recipes na madadali at ayos na ayos tong website na to : http://www.allrecipes.com
    have a great weekend with jet! andyan pa ba ang mga kapamilya mo?

  7. ako,ako!HRM ako,marami akong alam na luto kaya lang di ako marunong magsaing,nyahahaha buti ka pa nga e marunong magsaing… bisita ka ulit sa blog ko bossing,may entry ako tungkol sa bigas baka makatulong sa pag gamit mo ng ingredients.

  8. hehehe, fafa… subukan mo na ang sinigang. madali lang yun, salamat sa “knorr sabaw ng sinigang”!! atsaka may instructions yun sa likod ng pakete. o diba? hehehe

  9. hi tanya. hi carms. hi manz. hi kahilua. hi tin. salamat sa encouragement ninyo. kahapon nga eh nagtimpla ako ng burgers at lunch namin ni jet. masarap pa sa jollibee yung ginawa ko. 100% beef. ngyehehehe.

    hi ms. sassy L. salamat sa recipe mo sa hanburger steak. ginamit ko ito kahapon. nagtagumpay ba yung payo ko tungkol sa lavender gumamela?

    hi ka jop. kamusta na diyan sa garden state. spring na! bubuka na naman ang mga bulaklak ninyo diyan sa jersey. masarap nga ang takeout na chinese sa us, kaya lang masyado na itong americanized, ibang iba na ang lasa sa tutuong chinese food.

    ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaang! miss na miss ka na namin. sana naman ok ka lang diyan sa malamig na lugar. ingat sa pagbalik sa lalaland. miss ka na siguro ni don andres. hamo, magluluto na ako ng mga mahihirap na pagkain (relative to stir fry). this is the next phase of my education.

    Hallllooooooo mylabopmayn. tama lang yan mylab, hayaan mong patuloy kitang pag experementuhan. yesterday, i’ve learned a lot of valuable cooking lessons – cheif among them: use the best and freshest ingredients. ginamit ko yung pre chopped garlic doon sa stir fried mushrooms. ang sama ng lasa. tinapon ko tuloy yung niluto ko. neberdamaynd, there is still a whole lifetime ahead to learn even more.

  10. magandang araw aydol,

    galingan mo lang ang pag stir fry ha; lalo, pag laging may kiss galing kay ma’am jet habang ika’y nagluluto, eh, tiyak mas sasarap ang luto mo…(he!he!he! ala wowie at judy ann).

    regards…

    P.s.

    i don’t rely on instructions sa likod ng pakete, hehehe…kc, i tried it a lot it times with adobo but never succeeded…o talaga lang yata hindi ako learn magluto???

  11. MWAHAHAHAHA! hello missP. ang dami nyo palang gimmick diyan sa bayan ng mga aleman.

    nag-aaral ka rin bang magluto? hehe. ako ngayon lang nag eenjoy sa pag-aaral. bumili nga ako a few weeks ago ng chef’s knife kaya sarap na sarap akong mag talop ng mga mga sibuyas, kamatis at bawang.

  12. πŸ˜‰ did that when i was in belgium… at namili din ako ng iba’t-ibang klase ng knife…kase bawat failure ko sa cooking i blamed it on the knife, at sa kaserola at sa wok, etc.,etc. etc. ha!ha!ha! kaso, in the end FAILURE pa rin hehehe!

    In fairness naman, natuto naman akong mag bake, o divah?!

  13. hi ako nga rin di marunong magluto.. kelan kaya ako matututo tamad kac ako pag sa bahay lang namin.. pero pag sa work masipag siyempr kac bka magalit amo ko dba??? sana naman may magturo saken magluto…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *