Sticking feathers up your butt does not make you a chicken

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE PENNSYLVANIA. isang lalaki sa pittsburgh ang dinala sa ospital kamakailan dahil sinalbahe siya ng kanyang dating girlfriend. napag-alaman na nakipag break di umano ang isang nagngangalang ken slaby sa kanyang dyowang si gail o’toole. hindi ito nagustuhan ni babae kaya pinagbalakan ni o’toole ng masama ang kanyang ex-boyfriend. isang araw ay inimbita niya ang ito na tumuloy sa kanyang bahay. eto namang si gago ay pumayag. siguro dahil alam niya na may one for the road free sex.

hinintay muna ni gail na makatulog ang lalaki at nang himbing na ito ay kumuha siya ng quick dry glue at idinikit ni gail ang titi ng kanyang boypren sa kanyang tiyan. hindi lang yan bayan, nilagyan din niya ang betlog ng kanyang ex ng glue at idinikit ito sa kanyang hita.

akala ng lahat ay tapos na ang karumal dumal na krimen na ito pero hindi pa pala – in a spur of great imaginatation, nilagyan din ni gail o’toole ng glue ang magkabilang pisngi ng pwet ng kanyang ex-boypren at kanya itong pinagdikit. hindi pa ata na-satisfy ang babae dahil kumuha pa siya ng nail polish at ibinuhos ito sa ulo ng natutulog na lalaki. pagkatapos ng lahat na ito ay ginising niya ang ex-boypren at sinipa papalabas ng bahay na walang damit.

bayan, ang moral lesson ng news report na ito ay – “kung makikipag sex ka sa dati mong kasintahan, siguraduhin mo na mas mauuna siyang matulog kaysa sa iyo”.

ang balitang ito ay inihatid sa inyo ng birchtree holland powder milk, ang gatas ng dalagang ina.


Note:

KUNG GUSTO NINYONG MARINIG ANG BALITANG ITO, click lang sa batjay’s newscast. mas maganda kung gamit ninyo ang iTunes sa pakikinig at siyempre mas maganda kung may hawak kayong malamig na san miguel beer.

19 thoughts on “Sticking feathers up your butt does not make you a chicken

  1. matindi nga imagination nitong babaeng ito sir.
    baka mabasa ito ni carlo j. caparas at donna villa eh gawan ng pelikula!
    “Idikit mo ang Pwet Ko! (The Kenneth Slaby Story)”

  2. Hindi pa po, Kuya Batjay.

    Hamak na dialup lang kasi ang connection ko. Yaan mo’t mag-aapply ako kaagad ng Globelines broadband!!! (Dahil isinusumpa ang PLDT dito sa may amin.)

    Will find ways.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *