STANDING IN LINE MARKING TIME

habang nag-uusap kami ng security guard namin nung isang araw, napagisip-isip ko na may kasamang paghanga – ang generation niya ang ginamit ni lee kwan yew upang ibangon ang singapore from backward island to prosperous nation. pero naawa rin ako sa kanya dahil parang di siya nakinabang ng husto sa pagsulong ng singapore. hanggang ngayon, in his 60’s, security guard pa rin siya. ganon din yung mga tagalinis namin ng opisina – mga senior citizen that progress left behind. kahit sabihin mong mayaman ang singapore, some people fall through the cracks. walang welfare dito at pag wala kang trabaho, wala kang kakainin. kaya yung mga matatanda rito, nagtatrabaho pa rin kahit mga ulyanin na kasi magugutom sila pag sila’y huminto. sabi nga ni hornsby – “that’s just the way it is“. oo nga pareng bruce, some things will never change.

ang isang hindi ko gusto rito, bukod sa mga may anghit, ay ang disrespect sa mga senior citizen. sa opisina, yung mga matatandang babae na kumukuha ng trash can sa bawat cubicle, ni wala man lang “thank you” galing sa mga kasama ko. ni wala ngang “hi, how are you?”. it’s as if they don’t exist. hindi naman lahat ng tao rito ay kupal. marami akong mga kaibigang taga rito na mababait at maalalahanin. pero sapat ang dami ng mga kupal para mapuna at mapag isipan na duraan ang mga kape nila pag di sila nakatingin.

naalala ko tuloy yung isa kong paboritong pelikula: napanood na ba ninyo yung “raise the red lantern“? sa storya, pinagmamalupitan ni gong li ang katulong niya, kaya bilang ganti, dinuduraan naman ng katulong ang pagkain bago ito ihanda. kaya kayo, huwag ninyong papahirapan ang mga kasama ninyo sa bahay kundi makakatikim kayo ng laway.

17 thoughts on “STANDING IN LINE MARKING TIME

  1. yung tatay ko (he works sa saudi, riyahd, ece sya dun, pero wala lagi pera) pag nag papa timpla ng kape sakin lagi ako tinatanong.

    “dinawdaw mo ba yung daliri mo dito sa kape ko”

    sabi ko naman

    “what if i did? would it make a difference”

    sabi nya

    “baka bumait ako sayo”

    i dont get it what’s with the dawdaw daliri and the bait has to do with each other, eitherway, i never did that to anyone who asked me for coffee. wala lang. i mean kahit kuya ko. hirap talaga pag future housewife ang beauty mo. akala ng lahat asawa ka nila.

  2. hi riot.

    the premise, i think, ay yung pag transfer mo ng bodily fluids (e.g. laway), and in your case a body parts ay magpapa amo doon sa pinasahan mo.

    kasabihan yan ng mga pinoy – typical kasi sa atin yung mga ganitong klaseng karinyo. halimbawa, natural lang sa atin na makita ang mga magulang na sinusubuan ng pagkain ang kanilang mga anak gamit ang kamay. o kaya, yung mga nauusog, kailangang lawayan.

  3. Saang region galing yung ‘dawdaw?’ Ang alam ko kasi ‘sawsaw.’

    Nakakaawa nga yung mga matatanda dito e. Dami mong makikita, uugod-ugod na talaga, lumalakad sa kalsada mag-isa. Buti sana kung namamasyal lang. E madalas, may bitbit silang pinamalengke. Minsan ang hirap tingnan, parang ang bigat sa loob. Minsan nga gusto kong tulungan pero madalas di sila nakakaintindi ng English. Baka mamaya isipin hinoholdap ko sila, makulong pa ko.

  4. Batjay, sa Pinas, ganon din. Maswerte na nga yung mga matatanda na di na kelangan magtrabaho kasi may pension sila o mga anak supporting them. But once, I saw this lolo, uugod-ugod na, he was carrying several boxes of shoes na linalako niya. Sobrang napaiyak ako seeing him. Naisip ko, ang swerte ko because I had grandparents and parents who worked hard for them not to experience that and for me not to be out on the streets too. A friend told me di ako dapat maawa doon sa matanda kasi at least may trabaho siya. Pero at his age? Life is not really fair.

  5. hi manang. oo nga, mas healthy pa ang home cooked meals.

    malapit nang uwi mo yasmin. i hope you have a safe trip back. isa sa mga dahilan kung bakit ko nakwento ito ay dahil naalala ko ang mommy ko sa kanila. ayokong mangyari sa kanya ang mga nakikita ko rito.

  6. Yan naman ang gusto ko sa values system natin. We never lose respect especially to old people. Aba, lahat tayo tatanda. How would you feel if you were already old tapos ang tingin sayo ng mga bata e extra baggage at kailangang tratuhin like dirt?

    Kadiri yung napapanood ko sa Reality tv na mga chefs, waiters or even people hosting a party at their house. Dinuduraan yung pagkain bago i-serve. There was even one bartender na ini-ihian yung drinks. Eeew!

  7. hi rolly. medyo mas sweet nga tayo sa mga elderly and we take care of them as best we can.

    nakatawag ka na ba sa parents mo linnor? hirap ng malayo ano? ako, once a week – every sunday morning, tumatawag ako sa mommy ko just to say hi and check up on her. sarap din ng natatawagan ko siya – masarap ang pakiramdam ko.

  8. bosing….

    may sa balat sa mwet yataang computer sa library…ang haba na ng post ko kahapon nag-error naman ang lintek.
    anyway, di ko alam kung dahil Pilipino ako kaya mas simpatika ako sa mga matatanda. nakakalungkot naman na ganayan ang trato ng ibang tao sa mga matatanda diyan. anong akala niya hindi rin sila tatanda?
    nung bagong salta ako dito sa amerika, napaplastikan ako sa mga tao sa kanilang mga automatic na “Hi, Hello, How are you?….Good!” na routine. ilang beses akong nasabihang bastos dahil hindi ako bumabati nang ganon. ngayon, i swear, ganyan na rin ako, pati na siguro aso, babatiin ko na rin. what’s my point? in the long run, yung pagiging automatic na yon, eh effort naman pala na maging polite sa kapwa tao. ang sarap pala ang feeling ng ganun….

  9. hi jop. oo nga. ako rin dati ay nai-irita sa “hi-hello” routine, pero katagalan, nagustuhan ko yung gesture. automatic kasi itong may kasamang ngiti. pag mag bati na may ngiti pa, ang laking pabaon na goodwill nito.

  10. dito sa estet mga old Chinese ang nakikita mong
    nanghalukay ng basura. Para bang wala silang mga kamag-anak na mga batang mag-aalaga sa kanila.

  11. marami rin sa kanila kaya hanggang ngayon nagtatrabaho pa dahil wala daw silang gagawin sa bahay and yung fear nila na mag-stagnate ang utak nila. yan e, base sa mga nakausap kong taxi drivers dito. yung iba naman, wala daw silang ipon kaya kailangan daw magtrabaho. pwede rin kasing magastos sila nung bata pa.

    enjoy ko rin makipag usap sa kanila. kung tinatamad ka nga magbasa ng dyaryo, makipag usap ka sa driver, minsan mas marami pa silang alam kesa sa yo sa current events. hehe. 🙂

  12. hi tin. oo nga. mahilig din kaming maki tsika sa mga taxi driver dito sa singapore. at tama ka, very up to date sila sa mga current events at pag di ka nagbabasa ng dyaryo, patay ka sa kanila.

    gusto ko ring kausap ang mga security guard at my janitor. napansin ko, mas open sila na magsalita, especially about politics which white collar workers very seldom even mention.

  13. Sa atin nga mas kawawa ang mga matatandang walang financial support. When I went home this year, nakita ko yung matandang tiga-baranggay namin, maybe he’s already nearing 80. He’s pedicab is rusty and he’s as fast as a snail, pero ayun namumulot/bumibili pa din sya ng mga metal scraps (garapa ba yun? forgot the pinoy term). Nakikita ko na sya mula ng magka-isip ako ganun ang buhay nya, hanggang ngayon na malapit na syang mamatay ganun pa din. Nung high school ako, I saw his house and there were several 20-somethings there, I thought he wouldn’t have to do that work for long. Afterall our kids usually help out financially di ba? As it turns out ngayon mga apo naman nya binubuhay nya.

    Di lang yan, maraming matatandang tricycle driver sa amin, pati mga kargador sa palengke na kuba na.

    Kakalungkot. Eye-opener din kasi working class kami and it just makes me more determined to give my parents a better life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *