SPIKY

dito sa building namin, may isang babaing empleyado ang legal department namin na may problemang konti. one time last week, dumaan siya sa kinatatayuan ko. nginitian ko siya na may kasama pang kaway. dinedma ako. tuloy tuloy lakad na habang papalapit sa akin, yung mata niya ay pumipihit na patagilid pa-side glance, as if looking kung ano ang ginagawa ko habang papaabante siya. pahiya ako man… kung pwede lang mamula ang kutis kong kulay betlog eh namula na ako.

kahapon kita ko uli siya, nasa lobby kami ng floor namin. tatlo kami, ako, si yabang at isang puti. si puti ang kinausap at parang non-existent ako. pinagtanong ko siya sa mga kakilala ko rito at talaga palang may hang-up siya sa mga asians. ang balita ko eh puro mga white boys lang ang kinakausap niya. di ko nga maintindihan kung bakit, kasi asian din siya. etong si yabang eh malayo pa lang kita mo na siya, kasi matangkad tapos yung buhok niya ay may gel na nakatayo at parang hindi sinuklay. ayan, pati ako tuloy nagiging pintasero. ganyan,ganyan nagsisimula ang guerra eh – first, demonize the enemy.

naalala ko si yabang-tayong-buhok-na-gusot kasi iniisip ko yung mga accent ng mga tagarito sa singapore. isa rito ay yung tinatatawag na “Rolling R”. yung mga regular chinese kasi, di ma-pronounce ang “R” eh – for example: Bar = Bah, SARS = SAHS, LOR MI = LOMI. iba naman eh yung “L” nagiging “R”, for example: Kupal = Kupar. Hehehe… kupal kasi itong si yabang. asan na ba ako… ah, ok. ang typical chinese, di mapronounce and “R”, kaya as over compensation ng mga nag-aral sa UK at Amerrrrrrica, o kaya, yung mga pakyut na gustong makilala na magaling mag-english: pinapagulong ng husto ang kanilang mga “R”. for example: “we have to fight this warrrrrrrr angainst SARRRRRRRRRRS”. pag medyo inaantok ka, kala mo makina ng bangka eh. hehehe. etong si yabang, todo todo rolling R ang accent.

aasaRRRRRRRin ko nga ito ng husto. padalhan ko kay ng mga porno pictures, spamin ko kaya ng mga walang kabuluhang email, isubscribe ko kaya ang email address niya sa mga ibaibang nakakabwisit na produkto sa internet. o kaya, para mapansin niya ako, babatukan ko sabay “hello” (o kaya “hello” sabay batok).

hindi, ganito na lang: from now on, tuwing makikita ko siya, bibigyan ko ng matamis na ngiti na may kasamang kaway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *