SPICE OF LIFE

dear unkyel batjay,

kamusta po sa inyo. ako pa ay isang bagong OFW at kakarating ko lang po rito sa saudi para magtrabaho sa isang oil refinery. idol ko po kayo at parati ko pong binabasa ang blog ninyo. kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo dahil alam kong matagal na kayong nakatira abroad.

ano po ba ang importanteng natutunan ninyo sa buhay lately na pwede ninyong ipayo sa akin?

lubos na gumagalang,
gentle reader



dear gentle reader,

huwag kang iihi pagkatapos mong mag hiwa ng sili hanggang hindi ka naghugas ng kamay.

sana makatulong ang payong ito,
unkyel batjay


NOTA: para sa mas kumpletong multi-media experience, pakinggan ninyo ang PODCAST ng epispode na ito na handog sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal”

this is an audio post - click to play

23 thoughts on “SPICE OF LIFE

  1. sir, napadaan lang.. nabura yung dati kong blog sayang..”blue-journals” tsk! anak ng tinapay gumawa na naman ako ng bago. hindi ko na naasikaso kasi nag syokoy nako..este seaman pala,na miss ko yung mga enlightening mong payo. link kita ulit ha? thanks and godbless!

  2. Ayan kasi!

    Pero ok na rin yan. Imagine mo na lang mylab kung imbis na umihi ka e nangulangot ka… para ka sigurong sumubo ng sang kutsaritang wasabe… hehehe.

  3. Hi Unkyel,
    what a sound advice…

    Syangpala, natanggap ko na rin sa wakas ang pinadala sa aking libro ng aking pinsan. Kwela talaga..pero di ko pa nababasa lahat. Dala ko sa work para may patawa sa break time.

    sayang walang autograph.

  4. nampuchagalingmagsulatngisangtoh! ‘yong buk mo, ipinababaon ko sa mga pamangkin kong ofw. twothumbs kasi, wla bang part II? hege lang, write on!

  5. dami nila na nangibang-bansa, diaspora baga. may nasa italy, may seamen (2), may nag-japan, may nasa hawaii, may nasa amerika (kapit-bahay nyo siguro) – ah, pati nga pala mga utol ko nandyan – nasa el-ey, nasa san diego, sa riverside,sa kung saan-saan pa ng california; nagkalat na ata ang semilya ng concepcion sa buong mundo. aba, kung pagdadaladalawahin ang mga intsik sa buong mundo, maliligid daw ng linya nilang by-twos ang buong daigdig like ring around saturn. e ang pilipino kaya na nasa ibang bansa? baka tinatayp ko ito at mamaya e ako na lang pala dito sa pilipinas ang natitira. waaah! ay mayroon pa palang iba, mga taga-u.p. sa taga italy nga palang pamangkin ko napakamay ang aklat na kuwentong tambay. pero balak kong i-distribute ang mga bolyums nito sa iba pang mga pamangkin kong darating dito. kaya lang, baka mamulubi na ako. am praying that they don’t come one after the other. for i’ll be afraid. be very afraid (with apologies to..err..saan mo ba kinuha ‘yon, batjay? teaser ata ‘yon ng sine eh.

  6. sa wakas ay nakabili na ako ng libro mo sa national bookstore nung lunes. sa halip na samahan ko si lenin sa pagkuha ng international driver’s license ay nagpaiwan na lang ako sa starbucks at nagbasa. aliw talaga! kung alam mo lang kung paano sa maikling sandali ay napasaya ako ng libro mo. pinilit ko nga tapusin agad tapos sinama ko sa handcarry ni lenin. sobra ako na-touch dun sa mga kwento mo nung paalis ka pa lang sa pilipinas. nihatid ko sa airport si lenin kanina papunta sya austin. at tama ka… ang susungit ng guard dun sa airport tinaboy ako.
    btw, pinabaon ko din sa kanya yung libro para mabasa nya sa byahe.
    pasensya na, ang haba ng sinabi ko dito hehehe

  7. hi roselle.

    nasa austin pala si lenin. matagal ba destino niya? yung mga ibang kasama niya, inaabot ng mahigit isang taon. sana makaipon kayo at sana makasama ka rin doon. austin is a great place – maraming makikita dahil university city ang capital ng texas. sigurado rin ako na magiging successful ang asawa mo doon – isa siya sa mga magaling kong tao nung magkasama pa kami.

    maraming salamat sa pagbili at pagbasa ng libro. i am sure, maraming matutunang kalokohan si lenin sa pagbasa nito.

    ingat.
    jay

  8. nung feb 28 sya umalis tapos 9 months sya dun. medyo magastos kami ngayon sa phonecalls kase first time namin nagkalayo ng malayo talaga at matagal pa! kakalungkot sobra pero syempre i know importante para sa kanya yun eh… ayun nga, kanina daw sa hooters sila nag dinner tsk tsk tsk hehehe

  9. ok – 9 month stay. aabutan pala niya ang mainit na texas summer. ngayon ay ok pa dahil winter. baka nga may snow pa siyang abutan. kuha ka rin ng visa para makasama ka.

    pwede kang bumili ng local number sa skype para mas mura ang charges. or, bili na lang siya ng phone card sa mga asian store. maraming mura na pwedeng gamitin.

    ingat!
    j

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *