SOME THINGS ARE NOT SPOKEN OF, SOME THINGS HAVE NO NAME

happy birthday dennis! birthday ng pamangkin ko ngayon na si dennis. eto siya kasama si tj. si dennis ay panganay na anak ng panganay kong kapatid na si gigi. hekshuli, mas matanda si dennis sa akin ng 4 months. bunso kasi ako at malaki ang agwat ng edad namin ni gigi – almost 18 years. tapos maagang naglandi nag-asawa si gigi at matagal bago ako na assemble. nakakatawa nga: ang kwento eh, hiyang hiya raw ang kapatid kong si gigi nung time na yon dahil sabay sila ng mommy ko na lumobo ang tiyan (parang “father of the bride, part 2”). minsan iniisip ko kung bakit pa ako pinanganak, given my parent’s age during the time of my birth. ang aking haka haka ay baka nainggit ang daddy at mommy ko sa kanilang panganay na anak at nag decide sila to go for a sixth child. ayun, nabuntis din ang mommy ko at pinanganak nga ako. kung tutuo ang storya na ito eh…

…ang laki pala ng dapat kong ipasalamat kay dennis. kung di siya na assemble ay malamang di rin ako maipapanganak. teka ha, let me do some aritmitik: my mom is 80, i am 38. tangina, menstruation baby pala ako. hindi. teka, ano na nga bang tawag doon… menopause! ayun. menopause baby pala ako. wow, my mom had me when she was 42 years old. i was almost an afterthought. pero para sa akin ay enjoy ako. dahil matatanda na ang mga kapatid ko nang pinanganak ako, spoiled ako sa kanila. tapos dahil sabay kami halos ni dennis ay mayron akong immediate kalaro during our growing up years. kaya parati kaming magkasama nung araw. we attended the same school and had have the same friends. we have lives that’s been intertwined by a common history. and although malayo na sa akin si dennis, parati ko pa rin siyang naiisip. happy birthday pare. inom na lang tayo pag uwi ko. kamusta na lang kay meng.

21 thoughts on “SOME THINGS ARE NOT SPOKEN OF, SOME THINGS HAVE NO NAME

  1. try dropping the e and ikabit mo ang al. parang yun yata ang tamang term dun:)

    first time here (uh-oh! not sure actually). galing ako kay mari yata or kay jardine:) anyways, maki happy birthday na rin ako. hehe.

    uhm. cool rubric up there, by the way.

    the lost chick

  2. bosing… tagal ko nang di nakakadalaw. di na bale, next week off na ako sa summer camp. sasakit ang mata at tiyan ko sa kakatawa sa backlog na entries mo. di na nga rin ako makapagblog eh…
    kung ikaw ay menopausal baby. ako yung menstruation baby. pano 16 pa lang si mommy nung inassemble ako… terrible. eh naglalaro pa ako ng basketball noon eh. oh well. enjoy kayo ni jet.

  3. That’s another thing we share in common. 13 years ang pagitan namin ng sinundan kong kapatid. Kaya noon, pag naglaro ako, lahat sila nakabantay. Kasi, pag ako na ang taya at nababalagoong (alam mo ba yung term na yun?) na ko, tinatawag na nila ko. hehehe

    Natanggap mo ba email ko? Nasira yata yung blog ko e. Nawala lahat ng entries! Can i borrow your famous line? PAKINGSHEET, talaga. I wrote blogger if they can help me out. Sana, sagutin nila kagad. Mukhang nabago template ko. pati mga links nawala.

  4. hey boss rolly.

    baka kailangan mo lang mag republish ng entire blog site? nakita ko kasi ang archives mo at OK naman siya. i can read your archives. minsan kasi na corrupt ang mga application – all you need to do is republish and it will get back to normal. ano ba ang nangyari before hand? nakaka inis nga yan pero normally, reliable naman ang blogger.

  5. Ako din menopausal baby, BatJay. Pero wala akong mga kapatid or pamangkin na nakalaro. Medyo abnoy childhood ko in the sense para akong nasa seminaryo. Hehehe. But it is good that you have a nephew who’s your contemporary. Anong tawag niya sa yo? Tito bunso? Hehehe. 🙂

    Tama si BatJay, Tito Rolly, republishing lang yan, babalik na. Wagka sanang mag-alsa balutan sa Blogger. Blogger forever, tayo! Hamo, maayos din yan.

  6. ang galing ng Filipino family no? yung bunsong kapatid ng lola ko, kasing-age ng panganay ng lola ko (nabulag pa tuloy ng tito ko yung isang mata nung lolo ko, habang naglalaro sila)…

    tapos yung bunso naman ng lola ko, kala-kalaro lang din ng mga anak ng panganay ng lola ko…

    tas ngayon, yung iba naming pamangkin, mas matatanda pa sa mga tito at tita nila

    ang galing, ang saya!!!! 😀

    (papa jay, i think kaya nga naisipang payagan pang ipanganak eh kasi… wala raw lubos magpapaligaya ke mama jet eh)

  7. only child ka nga pala ano doc? buti na lang napagisipan ka nilang gawin. ang tawag sa akin ng pamangkin kong si dennis? jay lang. hehe. mas matanda siya sa edad eh. ako sa dugo.

    one day, you should tell the story of your life as a single child.

  8. Ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!

    Ang galing galing mo talaga sa name that tune. hehehehe… siyempre, alam ng lahat ng mga ka age natin na ang title ng blog at ang lyrics na nabanggit mo ay galing sa “birthday song” ni don mclean. isang awit na pagkasarap sarap awitin na may kasamang gitara.

    naalala ko na naman yung paborito kong DJ joke: “hello mr. dj, pwedeng mag request? yung “Starry Starry Night” by Vincent.

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!

  9. hi mec.

    musta nang mutya ng paco? hehe… ang dami ring palang mga nag overlap na eded sa pamilya ninyo. yang ang nangyayari pag mag maagang nag anak na bata na natapat sa late na nag anak na matanda. ang gulo.

  10. 🙂

    sa pamilya ng tatay ko… mas may premium ang matanda ang dugo eh… kaya kahit toddler ang tita ko na pinsan ng tatay ko, Tita ang tawag ko sa kanya…

    at ang mga pinsan ko sa tatay ko na mas matanda sa akin, nde man tumatawag sakin ng ATE, nde ko naman tinatawag na kuya or ate, kasi mas matanda dugo ng dad ko sa perents nila 😀

    ang kulit diba?

  11. hello batjay.. fave ko blog mo.. pangtanggal ng bagot to sa work eh..

    anyways.. si mommy pareho kayo ng situation kaya ang ending eh kaming mga anak niya eh may pamangkin na hindi pa kami pinapanganak!!!

    sakit pa nga sa llob na may apo na kami eh ten pa lang kami.. may history pa naman kami ng maagang nagaasemble ng bata….

    ingat 🙂

  12. hi ginger.

    thanks for writing. i appreciate it a lot. huwag ka lang masyadong magbabasa during work at baka malagot ka sa bosing mo.

    pag sabay ang mommy and her daughter na nag baby: ayun – magkakaedad ang uncles/aunts and their pamangkins.

  13. kiriring..batjay si ting aling ‘to..hehe..kala ko wala nang tatalo sa lola ko..nanganak ng 15, nagkaapo na, nanganganak pa rin siya..oo, 83 kaming apo niya (apo at apo sa tuhod ha..buhay pa rin siya, 98 years old)..pero masaya kaming lahat..noong bata ako, di masyadong umuuwi yung tiyahin ko sa states..di daw niya mabilhan lahat ng pasalubong..takot palang umuwi sa dami namin..hehe

  14. hi jay!!! give my lang my warm happy birthday to kuya dennis… dont have any open communication with him kc. am kinda busy here!!! gud day!!!! 😀

  15. as ive heard from my dad’s stories about your family… i cant believe that would really happen!!! i mean, having you, that’s an afterthought, you’re right!!! actually, i dont have any idea abt menopausal babies… but as healthy and smart like you… dont have to question abt it… hehehe. regards pla from my dad (tito dalusong). he didnt clearly remember your face but he knew you were tita gigi’s bro… ta-ta,,, divine dalusong

  16. hello again divine.

    naka CC na sina donna at si meng dito sa email na ito. so, you’ll have access to donna and dennis dalusong. i remember your dad and his other brothers and sisters. even your lola and lolo. we used to visit the dalusong home in elias with dennis and donna’s dad – boy, when we were young. so we know all your other uncles and cousins who lived there. i forget the names now but i still remember the faces.

    ayun i remember – caloy and jovie(?).

    ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *