So she poured out the liquid music of her voice

nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti – $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako – credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito… maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.

ano ba ang “luslos” sa english? “hernia”, di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation… bakit “hernia” ang tawag sa “luslos”? di ba dapat “himnia”, kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw “doberman” ang tawag sa “doberman”. bakit daw hindi “doberdog”. ayun simula noon, “doberdog tirik” na tuloy ang tawag namin sa kanya.

14 thoughts on “So she poured out the liquid music of her voice

  1. picture this: during the UNenlightened period (btw i didn’t say that that period has already ended), one UNenlighted guy woke up to a HUGE, uhm, betlog. in a flash he remembered what happened to him last night, and panic-stricken, pointed at the woman in bed and went– ‘HER!…nyaaaaahhhhhhhhhh’.

    so there. maybe because some UNenlightened guy at one point thought it was partly HERfault.

  2. I know why its called hernia. The medical field recognized that there are more women with anus hernia than men’s betlog hernia ergo that name. Just a trivia, NOT.

  3. Congrats sa inyong first apartment!! Glad everything went through!

    At least your rent over there is decent. NYC apartment prices are horrendous. $1250 is considered a steal for a 350 sq ft. studio! Don’t worry! It gets better!

  4. Di bale, ang kasaysayan naman ng lahi, satin nakapangalan – history!

    My sister was operated on for hernia when she was a young girl. Hindi lang lalake ang meron nyan.

  5. yehey happy lipat hehehe

    totoo ba yun sabi nila pag unang araw ng paglilipat kelangan number 8 tapos madaling araw tapos kelangan asin at bigas ang unang ipapasok sa bahay hehehe

    ba ewan ko.

    basta hapi lipat πŸ™‚

  6. Sir Batjay,
    natanong din ako ng anak kong 4yo, may aso akong doberman babae,
    bakit daw Doberman eh babae? dapat daw doberwoman

    nakikisali lang…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *