Dulce et decorum est pro patria mori

memorial day ngayon dito sa amerika kaya wala kaming pasok sa opis. pinagdiriwang ang memorial day tuwing 4th monday ng buwan ng mayo para gunitain at bigyan ng parangal ang mga namatay na mga amerikano sa lahat ng mga sinalihan nilang guerra. isa ito sa pinaka solemn na holiday kaya taon-taon ay milyong milyong mga tao ang lumalabas ng bahay para mag barbecue.

 

MemDay07-0028MemDay07-0027MemDay07-0025MemDay07-0024MemDay07-0022MemDay07-0021MemDay07-0019MemDay07-0018MemDay07-0017MemDay07-0016MemDay07-0014MemDay07-0013MemDay07-0011MemDay07-0010MemDay07-0009MemDay07-0006MemDay07-0002MemDay07-0001

hindi ko alam ang koneksyon sa pag ihaw ng karne at pag-alala sa mga namatay na sundalo kaya nakikikain na lang kami ni jet. marahil ay pareho rin ito sa ating mga pinoy na nagpaparty sa itaas ng mga puntod ng mga kamag-anak tuwing araw ng patay.

matalino talaga ang mga amerikano dahil bukod sa fact na ang mga tao rito ay baby pa lang, nakakapag salita na ng english ay naisip din nila na every year ay salubungin ang pagpasok ng summer tuwing memorial day sa pamamagitan ng pagtitipon tipon ng mga kaibigan at pamilya.

12 thoughts on “Dulce et decorum est pro patria mori

  1. Memories light the corners of my mind… hi batjay & jet, makikiraan po. Ubo! Ubo! Ang usok naman ng mga barbecues dyan! Pero ang sarap ng amoy ha, en fernis…

  2. galing na nila eh. parang yung mga taga singapore, baby pa lang ang galing nang mag intsik.

    nagpunta kami sa kaibigan namin kahapon. nag ihaw sila ng pork ribs at manok. ang sarap nga eh. daming handa. di lang naman barbeque, may salad din at kanin.

    ang saya ng memorial day bossing – excited lahat dahil narito na ang summer. mahaba na ang mga araw at lahat ng tao ay gustong magpunta ng beach. summer is here.

  3. lol @ intsik. parang ikaw, baby pa lang magaling na magtagalog, di ba? so pano kayo nagkakaintindihan ng mga batang ingles-spokening na kausap mo diyan? dami kasi akong alam, kahit di na baby ay di pa rin runong ingles. just kidding, i am knows that you are have very good command of english naman lol…

  4. sana meron ding memorial day dito…dibale unkyel pag napatira ko na tong si raul gonzalez at si garci malamang lamang magcelebrate ako ng memorial day….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.