PAUWI NA NG PILIPINAS

six days and counting… 10:25am ngayon at sunday – this time next saturday, nasa eroplano na kami at somewhere over the eastern malaysian coastline. hehehe. ilang tulog na lang makakatikim na ko ng liempo na hindi matigas at putol-putol na.

tulog pa si jet – naglaro na naman siguro ng sim city kagabi. preng egay – release nang favorite game mo: warcraft III. panay ngang half page ad nila dito sa dyaryo at maraming pakulo sa mga mall.

later tonight: the last game of the world cup – germany vs brazil. si jet mas excited pa sa akin. minsan, natatakot ako, baka magreklamo ang mga kapit bahay sa kakasigaw niya. hehehe… ok lang siguro, dahil dito sa mga housing blocks ng singapore, malalaman mo kung may naka-goal dahil sa cheer ng mga tao. yung collective roar ng limang building na may average 600
homes watching football – ang lakas! ang galing!

sarap ng linggo ko ngayon. makulimlim sa labas, ako lang ang gising, may kape sa tabi, a sinful cigarette at si joni mitchell kumakanta sa cd ko nang “both sides now”…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *