alleluiah, dear braderensister. ayon sa aking computation (based on the facts, which cannot be denied). by the power of grayskull, today is my 100th day na hindi nanigarillo. patawarin nyo na ang pagyayabang ko. i have been a smoker for more than 20 years and pakingsheet i am so proud of da pak na nakahinto ako. through sheer guts and determination (not to mention da help of a beriberi labli en byutipul wife), i have stopped. kaya isuot na natin ang ating mga maingay na amerikana at iwagayway na po natin ang ating mga puting bimpo, braderensister, at sabay sabay nating isigaw – SEKSI!
teka lang… we interrupt this pagyayabang with another breaking news story: SINGAPORE – follow up po ito sa kasalukuyang island wide egg shortage. gusto ko lang i-balita sa inyo na mayron nang itlog dito sa singapore. kaya lang by reservation in the morning. da trabol you have to get into just to get eggs. anobayan? gigising ka pa ng maaga at pipila. pwede bang itlog na lang ng butiki? ANG BALITANG YAN AY HATID SA INYO NG BIRCH TREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NG DALAGANG INA! di-dit-dit-dit-dit-di-dit (morse code na sound epeks gamit sa pagbalita)
congrats fafa jay! naovercome mo na talaga ang yosi noh? naalala ko yung he-man at she-ra tuloy sa “by the power of grayskull”
huwaaaw! congrats! š
thank you! thank you! thank you mari. thank you jennie. i want to thanks the god for this. i want to thanks my parents for giving be baon. i want to thanks ebribadi. thank you. and don’t forget world peace. i also wish for world peace. i, thank you.
galing! congrats!
isang malakas at nag-aalab na congratulations, batjay!! tuloy-tuloy na yan! š
thank you! thank you! thank you dinah. thank you tintin. i want to thanks the god for this. i want to thanks my parents for giving be baon. i want to thanks ebribadi. thank you.
isang pag-BATI sa ika-100 araw mo ng hindi pagyoyosi. sana gawin na rin yan nga mga jeepney driver dito, haaaay. umagang-umaga, nangangamoy yosi ang bagong ligong si ako. pero wala naman ako pera pambili ng tsikot kaya tiis na lang hehe! mabuhay ka batjay! ipagpatuloy mo yan.
gusto ko ngang mabuhay kaya huminto ako sa pag yosi. maraming salamat sa iyong bati. ang hiling ko ay sana masamid ang mamang driver na nagyoyosi sa jeepney na sinasakyan mo.
wow, laki na ng natipid mo, libre ka naman ng roti prata with egg…hehehe..mabuhey!
huwag na lang, baka malakas kang kumain eh.
At least meron nang available, di ba? Josme kung dito nangyari yan, pano na kaya ako. Lam mo, next to adobo, pag hindi ko gusto ulam, itlog lang, katalo na sakin. i can’t imagine my breakfast kung walang itlog.
Meron palang pinulbusang itlog? hehehe
oo nga. hirap siguro pag walang itlog sa pilipinas. dito rin dahil maraming mga luto rito ang may itlog at mahilig din sila. maganda nga ang mga eggs dito – siguro mga 1/3 as large as what we have in manila. kaya lang nga eh wala at this point. malapit na akong mapikon at pag wala pa next week – susubukan kong mag sunny side na itlog ng pugo.
uy, malaki na rin siguro ang naiipon mo dahil sa pagtigil sa yosi, no? pwede ka nang magpa-fedex ng itlog galing pinas!
more than $100 a month ang natitipid ko sa cigarettes. so, over $300 na since i stopped. galing ano?
hmmm… maganda yang suggestion mo aling ruthie. kaya lang maliit ang mga itlog sa pilipinas eh. sayang lang. iniisip ko, baka pwedeng mag import ng ostrich eggs from africa or emu eggs from australia.
sigurado akong big hit ito dahil alam mo na, pag deprived ang mga tao, lalong nananabik. parang yung pinoy wise sayings – “pag pinipigil, lalong nanggigigil”.
Maiinggit kaya ako tungkol sa 100 days mo???
Gusto ko ring ibalita sa iyo na may isang dosenang itlog sa ref namin. Walang problema sa source. Inggit ka?
Aba mabuhay ka kabayan!
Ipagpatuloy ang paglilinis ng baga… Para di ka na magi-guilty pag umuwi ka sa atin at narinig mo ang sigaw ng yosi vendor “sunog-baga, sunog-baga kayo dyan!”
auee, ang pangalan na puro vowel!
kaya nga ako huminto mag smoke para mabuhay. tenkyu sa bati. sana tuloy tuloy na ito. paano naman ako maguiguilty na umuwi sa pilipinas halos every other guy smokes. BUT, i will set an example by not smoking anymore.
hi sassy.
sige mang inggit ka pa. alam mo namang mag 2 weeks na kaming walang makaing itlog ni jet dahil di kami nakakabili dahil wala kaming mabili. ngyehehe.
pag nakabili si jet ng itlog, i will hard boil all of them and eat it all in one seating.
kuya batjay, nagpalit ako ulit ng blogsite name.. pa-update na lang po.. tenkyu! š
Hard boiled mo lahat e ano isa-sunny side-up mo mylab?
Sabi sayo daan kang palengke pagjogging mo sa umaga e. Sige na mylab, para may itlog na tayo. š
Wawawaw! Congrats Batjay! Dapat ipabasa ko sa asawa ko itong post mo para mahiya naman at tumigil na ng kakayosi. Pero ako’y masaya at nabigyan mo ako ng ideya sa food blog ko – how to boil an egg ! Dedicated yon sa anak kong naglaga ng itlog – nabiyak lahat at naging kulay grey ang pula (meron ba nun grey na pula?!) I mean ang gitna. nye he he! Congrats again…
sige tin. palitan natin ang link ng site mo. kuha ka na ng host at domain name para di ka na nagpapalit parati.
Congrats! today 100 days, tomorrow 101! pretty soon you will lose count at totally wala na yan sa iyong system.
hi miss celia. mahirap talagang tumigil mag smoke. hanggang ngayon nga 100 days after, may craving pa rin ako. sana mawala na ito.
wala pa ring regular supply ng itlog sa singapore. parang rationed nga at madaling maubos. may tendency kasi ang mga singaporean na mag hoard. “kiasu egg mentality” ang tawag ko. i-google mo para maintindihan mo ang meaning.
hello haydee.
sana nga mag loose track na ako ng days. it’s a daily struggle until now. pero my work takes my mind off smoking. buti na lang.
ingat!
hello mylabopmayn.
sige, bibili ako bukas ng maagang maaga, kaya lang ipaalala mo sa akin para di ko malimutan. pag wala pa rin – bibili na talaga ako ng itlog ng pugo. ilaga na lang natin. mga 50 pcs each siguro, busog na tayo non. hehehe.
lab U!
congrats, congrats fafa jay… this calls for mocha cake, and choco caramel cake, and potato almond krunch!!!
for me… of course, because am sooo happy for you š
thank you mec. isa isa lang kasi bawal sa akin ang matamis. hehe. salamat sa bati ang ingat sa inyo!
Pingback: Manuel L. Quezon III
Pingback: Secondthoughts @ Viloria.com
grabedad! itlog dito, itlog doon…kung ako sa’yo bumili ka ng manok! bwahaha
on the serious side: bilib ako, congrats po! and off subject: i finished the da vinci code..buti namatay si Silas (di ko siya type, kakatakot)
“ano po gusto nyo sa itlog nyo?”
.. KINAKAMOT!
MWAHAHAHAHAH!!! (I just can’t resist!)
ps.
Congrats sa 100 days! Humayo at magparami sa ngalan ni Father Tropak!
NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
pag kinamot yung itlog magiging itlog na maalat yon. BWAHAHAHAHAHAHA!
thank you sa 100 days bati. ang tagal ko na palang walang nicotine sa katawan. miss ko na magyosi pero i dont regret that i’ve stopped.
hi justice.
thanks sa congrats mo. bilhin mo rin yung “angels and demons”. eto yung prequal ng da vinci code kaya same bida similar story. exciting din basahin lalo na pag nasa train at ayam mong mainip.
lagot ka! kinuwento mo kung sino ang mamamatay. magagalit sa iyo ang bumasa ng comment mo na currently na nagbabasa ng dan brown novel. gayahin mo na lang ako – sabihin mo na lang na mamamatay silang lahat sa ending!
Batjay! Congrats! Way to go, man. Did I mention na na-interview ko si Sir Richard Doll, the Brit, who is credited for making the link between tobacco and lung cancer? He quit smoking in his 30s as soon as the result of his research came out and he is now in his 90s, still strong, active and gwapo! So expect to be still strong, active and gwapo when you get to that age š
hi yasmin!
yes, i think i remember reading about it in your blog. wow. if there’s still something to do and if i’m still healthy, i wouldn’t mind living until my 90’s. otherwise, i’d be happy to reach 70.
are you in bangkok already?
cheers!
jay
Hi Jay.
First time kong makita itong blog mo. ang galing naman. nakakaaliw kang magsulat. honest pa yung dating. keep it up. congrats din sa pag-overcome mo sa yosi. – Vlad
hey vlad.
i love your great name. parang transilvanian bloodsucker. hehe. joke lang. thanks for visiting my site. there’s about 3 years worth of my life here, ikaw nang bahalang magbasa.
yup – over a hundred days without nicotene. i’m so happy i feel like smoking.
jay
I want to live in Singapore
i want to live in australia.