Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman

siraulong luko-luko pero di na naninigarillo ngayon ang sixth month anniversary ng paghinto ko ng paninigarillo. i had my last stick, the day i entered the hostpital for an appendectomy (i had a ruptured appendix and i almost died, the doctor dramatically said). siguro daw dahil sa sobrang ginamit na anaesthesia kaya ganito ako karetarded. bilang celebration sa aking 6th smoke free month ay bumili ako ng isang kahang winston nag lunch kami sa labas ng mga kaopisina ko. kumain kami ng masarap na chicken rice sa dover road (sikat ito sa singapore). presko rito dahil malakas ang hangin at sa ilalim ka ng malalaking acacia nakaupo. medyo minalas nga lang ako dahil nataihan ng ibon ang kamay ko. tanginangyan. buti na lang tapos na akong kumain, kundi baka kung ano pang kahihiyan ang nangyari. wala namang nakapansin kaya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunasan ko ng bimpo. iniisip ko na lang, sign ito from heaven. sana lalo akong swertehin dahil dito. taya kaya ako sa lotto?

29 thoughts on “Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman

  1. six months na pala tayo first nag-meet ano? Ang galing mo tsong, nakaka 6 months ka nang smoke free. Di bale i’m working on my second week. Ang hirap ha! Lalo na pag ang mga kasama mo, ma lalaki o ma babae ay nag-ii-smoke!

    Pero kaya ng powers ko yan. πŸ˜‰

  2. buti pa kayo nakayanan nyong umiwas na sa saigarilyo, sana ay makayanan ko din.. sana nga ay mahinto ko na ang paninigarilyo.. pero di bale, makakaya ko din yan, makakaiwas din ako, sisimulan ko next next year hahahahahha

    magandang araw po

  3. lam mo yan din sabi ng Dadi ko eh, nasobrahan anesthesia Nanay ko kya ganto – mentally defective ako pero ganun pa man Maganda daw ako, sabi ng Nanay ko!

  4. oo nga 6 months exactly today nung tayo ay unang nagkita. and for that dalaw, jet and i are eternally grateful.

    yung ka room mate ko at kasama sa buhay na kasama rin sa bahay ay naninigarillo pa kaya mahirap talaga. yung sinasabi ni jet na depression – tutuo yon. during the first few months (most especially the first three weeks) di ko matanggap na huminto ako. feeling ko, na deprive ako ng katangi tangi kong poisonous pleasure. isa na nga lang ang bisyo, nawala pa. yun siguro ang mga typical kind of justification na naiisip ng mga humihinto.

    konting tiis pa sir. gagaan din ang pakiramdam mo after a while.

  5. KaBongK. kamusta na? hope you’re doing ok. alam mo ba yan din ang sinasabi ko – “hihinto ako next year”. nung nasa mga late 20’s ako, ang sabi ko pa nga “i’ll stop smoking when i reach 30”. hehehe… 38 na ako nang mahinto. sana tuloy tuloy na ito.

  6. MYLABOPMAYN!!!!!

    anong kamay mylab? yung nataihan ng ibon? di ko pa hinuhugasan. ina amoy-amoy ko pa muna. tapos mamaya, tataya ako sa lotto – baka swertehin tayo.

    this can only be a sign from heaven.

  7. uy! suwerte daw ang maiputan ng ibon…tama taya ka sa lotto. he he πŸ™‚

    wow congrats! 6 months na smoke-free, hanep.
    ako dati umabot ng 14 months ( 9 months preggy, 5 months breastfeeding). that’s the longest time i was smoke/nicotine-free. (now, i’m down to 3 sticks a day, max. pag tulog na si raine, he he.)

    mabuhay ka kuya batjay! keep nicotine-free…

  8. hi ate glo. wow, 14 months. sayang, sana tinuloy mo na lang. 3 sticks a day – one after each meal i suppose. di ako pwede na mag decrease ng smoking ko. all or nothing kaya siguro ako nag decide na mag quit cold turkey.

    wala pang nagtatanong kung anong ibon ang umebak sa kamay ko. ngyehehe. pero swerte nga raw ito. swerte ko, di ako nataihan sa mukha.

    BWAHAHAHAHAHAHAHA!

  9. hi jay,

    congrats ha? buti ka naka six months ka na sa paghinto. ako…para pa ring kapre! pati utot ko may kasama ng usok (ay ano va yan) sori medyo nawala ang pagka ladylike ko. pero talagang ganyan na yata ang mga nasobrahan ng anesthesia. buti ka isang beses lang, samantalang ako juice meh, di ko na mabilang. kaya pagpasensiyahan mo na lang ako ha? btw, tumaya ka an sa lotto baka nga naman suwertehin ka. kapag naman ikaw ay suwertehin…pingi balato ha? hihihihi

    babuh
    beng

  10. kuya jay,
    hindi one stick after meal…tatlong sunod-sunod habang nagmu-muni-muni bago matulog sa gabi. he he.

    oo nag buti di ka sa mukha iniputan ng ibon!

  11. hello batjay. nakikibasa lang po. fan mo po ako. hehe. eniweys, buti na lang, hindi ka naging bato nung mabiyayaan ka nung ibon. πŸ™‚

  12. ey, batjay bro:…i am going to be the first to greet you. congratulations for being the best blogger at the philippine blogger awards. you really deserve it!!!

  13. hi batjay!

    wow, 6 months! ang galing mo! ako rin, trying to quit na ngayon. 1 stick a day na lang dapat ako, tapos pagtapos ng taon, zero na! ang hirap, grabe!!! bilib ako sayo at cold turkey ang ginawa mo.

  14. hi buttgirl. malaki ba ang pwet mo?

    walang ibong adarna (parang “Walang Himala!”) dito sa singapore kaya malakas ang loob ko na taihan ako ng mga ibon dito. maraming salamat sa pagdalaw. balik-balik lang pag wala kang ginagawa.

  15. sana nga matigil na itong bisyo ko. balak ko na ngang bumili ng nicorette o di kaya magpa acupuncture ako. paano mo nga pala ginawang huminto…basta na lang ba ganun? buti ka malakas ang will and determination mo. gagayahin din kita idol πŸ™‚

  16. Pahabol:

    am not sure if got my email few weeks ago. nasabi mo kasing may balak kayong pumunta dito sa germany. you and your family are welcome dito sa amin. ipapasyal ko kayo basta bigyan mo ko ng autogram πŸ˜‰

  17. hi tin ni roland.

    para sa akin cold turkey is the way to go. kasi madali akong matukso sa pag smoke. kung di ko talaga ihinto entirely, i will never ever be able to stop. so… cold turkey was what i did. it certainly helped that i was hospitalized.

    ingat!
    jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *