IT STINKS

sige na nga, pag usapan na natin ang kabahuan. racist ba ako pag parati kong pinupuna ang mga nakakatabi kong mabahu? ewan ko lang, sa tingin ko naman ay hindi dahil pinupuna ko rin ang mga pinoy na mabahu. hirap naman kasing di punahin dahil parang ginugupit ang ilong mo pag may katabi ka sa bus or train or (god help us) sa eroplano na mabahu. minsan di ko alam kung anong dapat kong isipin, lalo na dito sa singapore.

politically incorrect ba pag pinupuna nating mga pinoy ang kabahuan ng mga hindi pinoy? hehehe… its a conundrum. ayan, parati ko itong gustong sabihin eh, kasi parang feeling bigatin ka pag sinabi mo ang “conundrum”. ano na nga ba ulit ang mening nito? hirap eh, ingles kasing malalim.

i digress, sige politically incorrect man or racist, aaminin ko. AYOKO NG MABAHUNG TAO. ako’y pinoy: masipag, matiyaga, makisig, makadiyos, mabango, naliligo araw-araw at walang kili-kili power.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *