SI JAY AND JET, by DENGCOY MIEL

so ok, ganyan talaga ang histura ko sa personal. para akong cartoon character. cute in a caricature kind of way. hehe. pati nunal ko sa baba na parang nora aunor eh nakuha. ang galing mo talaga boss idol dengcoy miel. ito nga pala ay regalo niya sa mylab jet ko who turned 4@#$*$!0 years old last thursday.

bisita namin sa birthday celebrations ni jet sina dengcoy, his wife angie and their son miguel. dumating din si doctor helen. nang indian naman si antoniang matakaw. for the sake of art at sa doon sa di nakaka-alam, si antonia ay kaibigan naming singaporean. ang lakas niyang kumain pag naghanda kami ng pinoy food, lalo na pag adobo – nakikipag agawan pa sa akin ang bruha.

etong si doctor helen naman ay kakatapos lang ng masters niya sa NUS. siya ang nag-alaga kay jet nung nagkasakit siya one time ako’y out of touch with reality the country. siya ang bunsong kapatid ng classmate ko sa highschool na si colonel david, isang instructor na ngayon sa PMA, na napangasawa ng barkada kong si josie. studyante niya si bwakaninang trillanes. kaya walang humpay ang alaskang inaabot niya sa akin – e.g. “anong klase kang propesor? lahat na lang ng tanginang mga studyante mo eh nag coup de etat… dapat sa kanila, ilubog sa etat..”

masarap ang handa namin ni jet… may adobo, halabos na hipon, cream soup, brocolli with beef, fruit salad na may cheese topping at ang surprise chocolate with blueberry stripes birthday cake na regalo ko. ang dami nga naming nakain eh.

kung masarap ang pagkain eh mas masarap ang kwentuhan namin. typical conversation ng mga overseas pinoys – por eksampol, bakit mabango ang mga pilipino, ang halaga ng pagligo araw-araw, kung bakit nakakainis pag nakatabi mo sa bus sa umaga ay may marka pa ng kumot sa mukha at nakatikwas ang buhok at halatang di nag take a bath, bakit walang pag-asang may manalong ms. singapore sa miss universe contest, bakit maraming may anghit dito, the lack of art and culture sa bansang obsessed sa pagpapayaman, bakit mas magaling ang mga pinoy kaysa mga taga rito, the importance of substance over form and the filipino’s passion and soul. not a bad evening – may comedy, may drama, may kantahan, may sayawan. parang pelikula ni dolphy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *