SI IDOL IBET, SI BOSS TEDDY AT ANG ARAW NG KAMATAYAN NI RIZAL

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

umuwi rin ang idol kong si ibet from somaliland, africa just in time for christmas. sinama niya ang aking bagong idol na si boss teddy at kasama si jet, sinalubong naming apat ang araw ng pagkamatay ni jose rizal. quite appropriate dahil itong si ibet at teddy ay mga tunay na makabayan. both of them are very involved in a lot of cause oriented groups in the philippines and have been literally there where the action was in almost all the major national events of the past 20 to 30 years. yung mga trabaho nila ay talagang mga calling and their passion to their cause inspires me. i’ve always looked at myself as a pinoy who truly loves his country pero i pale in comparison with them. idol ko sila. nag-usap kami from around 8 PM to 2 AM, with me mostly listening and being mesmerized and romanticized with all their tales. it helped that we were in a secluded spot sa CONSPIRACY sa Visayas Avenue, isang sikat na tambayan ng mga cause oriented groups. maganda ang musika at lalong mas maganda ang mga storya ng buhay nila.

it’s because of people like them that i love being pinoy. above all of the other asian nations, we have the passion, the soul and the humor to face whatever life gives us. i’ve been around and i know. sino sa tingin ninyo ang nakaka-angat pa rin pagtapos ng mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, constitutional crisis, corruption scandals, pagpalit ng presidente, di mabilang na coup de etat, pag ihi sa pader, etc. etc. tayo lang mga pinoy ang humarap sa lahat ng mga ito at lumabas na tumatawa as if parang tempting fate pa na sinasabing: “tangina, ano pang kaya nyong ibigay sa akin? i’ve been through hell and back and there’s nothing in the world that can ruin my fucking noche buena!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *