SULAT SA PINSAN

si donna ang pamangkin ko, nasa san francisco ngayon at kasama ang mga pinsan ko… nag-usap nga kami kanina sa phone. namiss ko tuloy sila… sinulatan ko nga si simon, yung pinsan ko. matagal ko na siyang di nakikita. sana next year…

buenas dias senor!

sorry at di ako nakapunta sa iyo nung nagpunta ako sa pomona last time akong na california – yung kasama ko kasi eh nagmamadaling pumunta sa palm springs.

nakabalik ka na pala sa san francisco… next year siguro ay pupunta ulit ako diyan at nang madalaw naman kayo. isasama ko si misis para makilala naman ninyo. may mga kamag-anak din siya sa sacramento kaya pwedeng double dalaw.

dito na kami ngayon sa singapore. center ng trade at commernce sa south east asia. maganda rin dito at very very safe. maganda rin ang pasweldo at maganda rin ang nakuha kong trabaho. malapit lang sa pilipinas kaya almost 4 times a year, nakaka-uwi ako.

yung main office namin ay based sa lake forest – malapit lang sa anaheim. kaya pag may official business ako ay pwede akong mag-long drive diyan sa inyo. nasubukan ko na ito last time nung nag-long drive kami from san francisco to palm springs.

last september nagpunta ako sa orlando – sayang nga at di ako naka puslit papuntang west coast. one week lang kasi ako at walang oras na mag bakasyon. kaya, september 11 ay nasa us ako. ang higpit ng security sa airport: nakaka-inis.

oo nga pala, kamusta na lang sa lahat diyan. paki sabi na lang na nami-miss ko na kayong lahat at sana magkita kita tayo next year. kamusta na lang kina tiyong anas at tita ging, kina sammy, sever, jun-jun, maricel, jojo at sa lahat ng immediate family.

hope to see you all next year!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *