SHINING DOWN LIKE WATER

malapit lang ang tinitirhan namin sa coast line ng singapore – kaya nga west coast ang address ko eh…hehehe. ito ang side na nakaharap sa malaysia – i.e. Joror Bahru or JB. medyo malayo sa gulo ng sabah, kung saan maraming mga bad boys. sa northern tip ng malaysia at indonesia na nakaharap sa southern tip ng pilipinas ay ang pinaka notorious na sea lane sa asia. maraming pirata at mga bandido, sindikato, smugglers, etc. madaling tumawid dito papunta’t pabalik ng malaysia, indonesia, philippines. ito ata ang sinasabing “exit through the back door”.

ang side ng indonesia ay kalimantan ang tawag, saba naman ang tawag ng mga malaysian sa side nila. tapos may maliit na portion ng isla kung saan naroon ang brunei. parating pinupuntahan ng mga brunei beauties na favorite ni egay! hehehe… ano ang tawag sa side ng sabah na pagaari ng pilipinas? ‘wasted opportunity’ hehehehe… bukod sa maraming muslim doon ay marami ring langis. kaya lahat ng major player sa oil and gas industry ay nandoon – texaco, bp, shell, etc. punta ako doon sa august. hehehe… feeling mel gibson na naman!

tahimik dito ngayon sa opisina. di ko pa alam kung anong status ko. mukha namang OK dahil kinausap ako ng boss ko tungkol sa trip ko sa indonesia at tungkol sa trabaho. baka ibig sabihin nito, may trabaho pa ako! hehehe… pero baka parang kanta ni john fogerty at ng CCR…

Someone told me long ago
There’s a calm before the storm
I know, It’s been coming for some time
When it’s over so they say
It’ll rain on a sunny day
I know, Shining down like water

I wanna know, Have you ever seen the rain?
I wanna know, Have you ever seen the rain?
Coming down on a sunny day

july 6 – tuloy na. nabili na ni jet ang ticket nya at nabook na ng opisina ang ticket ko. kita kits tayo sa birthday ni nes. sana makapunta kayong lahat – ito nang chance nyong makaganti sa mga alaska ko…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *