SHANGHAI NOON!

dear mylab,

nag stop over kami kanina sa hong kong on the way to china from taiwan. malakas pala ang promotion na ginagawa sa disneyland at malimit na pinapakita ang mga commercial tungkol dito sa airport. tinanong nga sa akin ng mga kasama kong amerikano kung bakit puro si mickey mouse lang parati ang mga pinapakita sa mga commercial. hindi ko alam ang sagot kaya sinabi ko na lang eh malamang ay kinatay na si donald duck, nakasabit na sa restaurant at ginawang ulam.

nandito na kami sa shanghai ngayon. dumating kami ng exactly 12 pm – shanghai noon! ominous ano? may ibig sabihin kaya ito? malamang wala dahil pelikula lang naman ito ni jackie chan. medyo malamig ng kaunti at malaking pagbabago sa temperature from singapore and taiwan. tawag ka na lang sa akin pag dating mo from duty, matutulog na ako’t kanina pa akong madaling araw gising.

miss na kita, mylab. lab U!
jay

5 thoughts on “SHANGHAI NOON!

  1. Good omen. Di ba hindi natatalo si Jackie Chan kahit kelan sa mga movies niya? hehehe…

    Miss na miss na rin kita. And I always pray for your safety. Goodluck sa mga darating mo pang presentations. Ingat ka parati at wag kang makulit dyan sa Shanghai ha. Baka mabulyawan ka ng taxi driver na masungit.

    Kamusta na lang kila Vivienne.

    Labyu!

  2. sir batjay andito pala kayo sa shanghai.. san kayo nakatira dito? hanggang kailan ka dito? sayang at di na ata tayo mag-aabot.. lilisan ko na ang shanghai eh.. sobrang lamig para sa akin.. pagtulo kasi ng sipon ko matigas na eh.. malapit sa maglev station ako nakatira.. ingat na lang po kayo!

  3. itay hanggang kelan ka jan? if you have time, punta ka sa rooftop ng Peace Hotel near the Bund, meron bar don overlooking the Pearl Tower and the colonial buildings.. ang ganda! Meron silang portable heaters kaya hinde sya maginaw gaano… you would love it. that’s my fave place jan sa Shanghai!

  4. hanggang ngayon na lang jennypeng. nag cruise kami kagabi sa bund. nandoon lang kami tumambay sa labas ng peace hotel. ok naman kasi may exclusive kaming tour guide. dalawa lang kami sa tour kaya marami kaming napuntahan at nakita. ingat at salamat sa tip.

    thank you sa bati roamee. narito lang ako sa tabi-tabi malapit sa city. ingat ka,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.