Sexual harassment at work…is it a problem for the self-employed?

parang trumpo pa rin ako kanina sa opisina. tuliro at hilo – naghahalo kasi ang mga iniisip ko. minsan iniisip ko kung saan kami titira, kasabay nito eh hataw na ako sa trabaho. nagiging literal pala ito minsan. sa sobrang dami ng iniisip ko eh ilang beses akong naligaw sa building namin. tawa nga ng tawa ang mga kasama ko dahil kung saan saan daw ako sumusuot. pinakagago kong ginawa kanina? pumasok ako sa toilet ng mga babae. hehe. bigla akong pinawisan ng malamig – kakabasa ko lang kasi ng sexual harassment manual ng kumpanya. pwede ka palang makulong dito pag matagal kang tumingin sa boobs ng co-worker. mahigpit talaga ang batas at bawal maglandi. kaya nga ngayon, pag may lumapit sa akin na babae sa opisina, nag duduling dulingan na lang ako. mabuti na yung pangit kaysa makulong.

ah may good news nga pala ako – nalaman namin kanina na approved na yung application namin sa apartment. pwede na kaming lumipat ni jet this weekend. problema lang ngayon eh pambayad. ngyehehe. wala pa akong checking account. di pala pwede magbayad ng cash sa america.

34 thoughts on “Sexual harassment at work…is it a problem for the self-employed?

  1. Sir…wala ka bang plano na maging Hollywood Star?Naks…si Arnold Schwarzenegger nga pala governor nyo dyan. Parang may konting touch ng pinoy politics petiks (politician/celebrity).
    By the way, di ba may housing discrimination law dyan…kaya kapag hindi ka tinanggap dahil may kulangot ka…sumbong mo kay Tulfo este sa Department of Fair Employment and Housing.

  2. congrats po sa inyong bagong digs!!!

    ahahaha! duling na batjay…kung sa bagay, bulag naman yung mga bats; sa land ng mga bats, hari pa rin ang duling!

  3. Di pede cash kasi baka money-laundering?? Just guessing. hehe

    Bawal tumingin sa boobs? So kung nakahubo yung girl, dead-ma ka pa din? hmmm

  4. korek kelangan nga tlga jan eh plastic na pera aka credit achuchuchu, kya maraming nabubuhay sa yutang and interest ng bank..

    goodluck sa paglilipat, sipagan mo nman tulungan si ate jet sa mga anik anik hehehe…

    goodday din sa work =)

  5. Hehehe….minsan din naman pala nagiging tanga ka…oks headline mo kala ko tuloy na biktima ka agad ng sexual harrassment dahil bago ka diyan…ingat ka baka makulong ka…ang hilig mo pa naman tumingin sa boobs….

    Buti naman may matitiran na kayo, gusto mo padala ko dyan yoong mga natira mong checks ng PCI Banks….baka kasi magamit mo dyan….hehehehe

  6. hi lynne.

    oo nga, na engot ako sa pagpasok sa CR ng mga babae. buti na lang walang tao kung hindi – baka nariyan na ulit ako sa maynila ngayon. either deport or kulong. ngyahaha.

    maalala ko… di ba may mga 6-7 thousand pa ako sa checking account na iyan? sayang di na natin na withdraw.

  7. teka, parang hindi ko yata maintindihan. Kung magsu-suot ang babae ng plunging neckline, syempre, parang gusto nyang pakita ang ganda ng kanyang dibdib. Kung titingnan mo naman ng matagal, magagalit sayo?

    Bawal magbaad ng cash? E kung bayaran mo kaya ng talbog na tseke? hehe

  8. yun nga problema tito rolly. maraming nagsusuot dito ng mga damit na kita ang cleavage. siyempre pag lalaki ka (yung TNL), siyempre mapapatingin ka kahit ayaw mo. pinag usapan nga namin yan ng kaibigan kong si mon (classmate ko sa notre) na bumisita the other day. mahirap talaga.

    pwede nga akong mag issue ng check na tatalbog. problema di pa tapos ang pag gawa sa check ko. pero nag apply na ako nung wednesday.

  9. hi carol.

    plastic at check. mas uso pala rito ang pagbayad ng checks. sa singapore kasi puro na credit cards, ATMs (through Nets) at cash cards. electronic na lahat at wala nang pirma pirma pa.

  10. Di bale mylab. Pag nakalipat na tayo, trabaho na lang aasikasuhin mo. Ako na ulit bahala from that point onwards.

    Pero basta… basta masaya ako kasi makakalipat na tayo this weekend.

    Labyu! πŸ™‚

  11. Congratulation sa inyo at least nabawasan kayo ng isang gagawin. Baka makita ko kayo sa target at ang laman ng cart niyo ay puro gamit sa bahay. ay ako pala yun. congrats ulit at happy ako para sa inyo.

  12. bat,
    you can buy a money order or a cashier’s check from the bank. it is good as cash but the apartment management will have the necessarry documentation for their accounting of rent payment.

    cash payment is discouraged in order to avoid temptation for supervisors or apartment managers to filfer collections.

  13. salamat sa payo mo ate cat.

    oo nga, yan din ang payo ng banker ko. tumawag ako sa kanya kanina. nakapag open na ako ng account, hinihintay ko na lang ang check na dumating.

  14. maraming salamat kathy.

    oo nag bayad na ako ng bahay ngayon. tapos na rin ayusin ang mga utilities. baka nga makita mo kami sa target this weekend. either there or sa ikea. mamimili kasi kami ng mga gamit sa bahay.

    ingat!

  15. hanap ka ng bangko me ispisyal oper. like dito samen pag nag open ka 2k checking account me libreng ipod. panalo diba?

  16. uy…ankyel b…hindi ko na nasusundan yung adbentyurs nyo ah…i thought you were just vacationing in the philippines, and now we’re living in the same continent as us! wow! welcome to merika (hehe, kala mo taga-rito ko, no?)! i’m glad to hear nakahanap na kayo ng apartment, at least that’s one major thing off your ‘to do’ list. i wish you the best and i hope it’s smooth sailing for you and auntie jet from here on! πŸ™‚

  17. hey! just laughing here from some of your posts, some of it made sense and some did not but i still had some good laughs! πŸ™‚ i used to live there in south ca too but i am in texas now though my mom and dad are still there. well, good luck on your new adventure there in the west coast. my mom used to work in singapore too so u reminded me of some of her stories.
    don’t really know how i ended up in your blog but it’s really humorous! take care.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.