Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.

TOP 10 NA MGA IMPORTANTENG NATUTUNAN KO SA UNANG TAON NAMIN SA AMERICA:

1. marami pala talagang mga kupal na pilipino sa america. ang mga kupal na tinutukoy ko ay yung mga pinoy na nagdala rito ng mga bad habits nila sa pilipinas. mayroon ding mga pilipino na kung umasta ay mas americano pa sa mga americano. kaya pala pag may nakikilala akong mga pilipino rito, feeling ko medyo nakikiramdam sila. siguro tingin nila sa akin eh asshole until proven cool.

2. marami pala talagang mga mababait na pilipino sa america. ang mga mababait na tinutukoy ko ay yung mga pinoy who go out of their way to make you feel welcome. sila yung mga tao who do special things for you not for any special reason except for the fact na talagang mga mababait sila – mga special pinoy tulad nina ceci, ate sienna, gigi-goes-gaga, tito rome, g, jmom, petite at ibalik.

3. marami ring mga kupal na americano sa america. karamihan sa kanila ay ngayon ko pa lang nakikilala. sila yung mga kano na ang unang iniisip sa mga desisyon nila ay ang protektahan ang kanilang mga sariling pwet. marami ako ng nakikilala sa trabaho na ganito – ok lang sa kanila kahit mali ang desisyon basta maprotektahan lang nila ang kanilang mga mini-kingdoms.

4. marami ring mga mababait na americano sa america. karamihan sa kanila ay matagal ko nang kilala. sila yung mga kano na malayo pa lang ay nakangiti na’t may nakahanda na agad na yakap at halik. sila yung mga nag-iimbita sa mga bahay nila for dinner and drinks. sila yung mga enchanted sa mga exotic mong kwento tungkol sa pilipinas na tuwang tuwa pag nag e-explain ka kung paano kumain ng balut at kung ano ang ingredients ng dinuguan.

5. madali palang tumaba sa america pag hindi ka nag-ingat sa pagkain mo. mga bwakangina kasing mga restaurant dito, ang lalaki ng mga serving. akala mo isang barangay ang papakainin sa isang typical order na good for one person. mura din ang pagkain relative sa sweldo kaya ang tendency mo bilang isang pinoy ay mag over-eat. pag kumakain ka kasi rito eh naalala mo parati yung sinasabi sa iyo ng magulang mo na kailangan ubusin lahat ng pagkain sa lamesa kasi nung panahon ng hapon, puro kamote lang ang kinakain nila at saka mahiya naman daw kami sa mga malnurished na bata sa africa na namamatay sa gutom.

6. madali palang pumayat sa america pag inalagaan mo ang pagkain mo. ang isang maganda rito eh maraming mga activities tulad ng paglakad, pag bike, pagpunta sa gym na pwede mong gawin in relative safety. maganda rin ang mga medical program ng mga kumpanya kaya libre ang pagpapatingin sa doctor. dito ko nga nalaman na may diabetes ako. tinakot akong sobra ng doctor ko na pag hindi raw ako nagbago ng lifestyle eh maraming complications na pwedeng mangyayari sa akin. kaya eto – i’ve lost over 40 pounds and am at the healthiest that i’ve ever been in my entire life. healthy food na ang kinakain ko na puro fruits at gulay. medyo nami-miss ko nga lang kumain ng kang-kong dahil wala nun dito.

7. maraming bobo na mga amerikano sa current events at geography dahil ang local news dito ay tungkol sa sports, traffic at weather lamang. minsan pati nga yung mga news channel ay nagiging bobo na rin – yesterday, nagreport ang FOX NEWS na puputok na raw ang mayon volcano sa indonesia. indonesia? WTF?

8. maraming magagaling na investigative journalist sa america. masarap panoorin ang mga documentary ng 60 minutes dahil kitang kita mo ang lalim ng preparasyon sa bawat segment. maganda rin ang mga nilalabas na mga article sa los angeles times, newsweek at time magazine. pero paminsan-minsan ay namimiss kong magbasa ng mga espesyal pinoy balita tungkol sa mga babaing nagsilang ng dalag.

9. kung gusto mo pala, madali lang kalimutan ang pilipinas. ang kailangan mo lang gawin ay magbasa ng mga balita tungkol sa takbo ng gobyerno at isipin kung ano ang magiging quality ng buhay mo kung nasa pilipinas ka. magsisimula kang magtanong: ilang oras ba magmaneho papunta sa opisina? makakalakad ka ba na hindi titingin kung may sumusunod sa iyo? pag nagsumbong ka sa pulis, tutulong ba sila? pag nagsipag ka ba sa trabaho eh mapapakain mo ba ang pamilya mo at makakabili ka ng bahay at lupa? pag nagsimula kang mag-isip ng ganito eh pag tagal, ayaw mo nang umuwi dahil mabubwisit ka lang.

10. kahit ano pala ang gawin mo, hindi mo makakalimutan ang pilipinas. naroon kasing naiwan ang mga mahal mo sa buhay at parati mo silang iniisip. gusto mong makita ang magulang mo’t maakap sila at makakwentuhan tungkol sa galing sa boksing ni manny paquiao. gusto mong maka-inuman ang barkada mo’t matikman ang masasarap na pulutang parati nilang hinahanda pag dumarating ka – sisig, kapalmuks, inihaw na pusit, tokwa’t baboy at pwet ng manok. gusto mong matulog sa sarili mong bahay ng walang iniisip dahil may kasama ka roon na nakabantay sa iyo’t gagawa ng lahat ng paglilinis, paglalaba at pagluto.

26 thoughts on “Set the controls for the heart of the sun

  1. Mukhang na-miss mo na sa katagalan yang lumpia mylab. Dati di mo pinapansin yan pag gumagawa si Ana Banana sa Pinas.

    Thank you for taking me to the CSNY concert. Ang galing… and now I have a newfound respect and interest in Neil Young. Ibang klase sila panoorin ng live.

    Happy anniversary to us dito sa merika! 🙂 Labyu!

  2. Una, CSNY!!! Kumpleto sila? A friend of mine saw them about two years ago and even sent me the whole repertoire. Syempre alam ko lahat.

    Pangalawa, mapa kano o Pilipino o intsik okung ano pa mang lahi… pare-pareho yan. Me kupal, me mabait – human nature. Ang bibilangin mo na lang ay kung ilan ang kupal at kung ilan ang tunay na may ginintuang puso. Magandang project yan sa Statistics hehe

  3. wow…galing CSNY and 4 hours concert pa? I hope i can see them perform live also……. rock and roll …. and may you have continued blessing and success in the US.

  4. happy anniversary sa inyo! 1 year na pala… i’m glad dahil nalampasan ninyo ang lahat ng lungkot, adjustment at kung ano-ano pa sa buhay-amerika!!

    more sucess kuya!!! pati na rin po kay ate jet… 🙂

  5. walang kangkong?! they do batjay! ang tawag nila ay ongchoi. punta ka sa kahit anong oriental/Asian/Filipino grocery at meron dun. ang dami nga nung isang bungkos nila e..solve na solve ka for adobo or nilaga 🙂

    marami dyan sa OC, meron din nga talbos ng kamote paminsan minsan

  6. sorry. wala akong nakikita sa 99 ranch. dito kami bumibili ng mga asian stuff.

    ang pinaka alternative namin ay spinach na lang. nagiging kulay green yung sabaw ng sinigang pero what the heck, masarap pa rin.

  7. hello KB – Thank you for the shout-out! Quite honestly, people like you and Jet are the kind of folks that other people actually WANT to help. You are both so very easy to love.

    And yes, kangkong is ongchoy and can be found in Asian markets. So kung hindi mo nakita sa Ranch 99 siguro wala lang ngayon. BTW if you go to a Malaysian or even Thai restaurant and ask for “kangkung” they will know what you’re talking about. 🙂

    PS: I was very touched by #10 — sobrang homesick kasi ako ngayon.

  8. thank you miss kapitbahay.

    tama ka – “kangkung” is a bahasa malay word and is the right word to use in malaysia, indonesia, singapore, brunei and the PI id you want the gulay.

    it’s one of our favorite veggie dishes in singapore – they cook a mean kangkong with sambal sauce

  9. hi roy. you’ve got to see CSNY perform. they still rock even if they are all senior citizens. at sulit ang binayad namin – they rocked for 4 hours almost non stop except for a 30 minute break in between sets.

  10. oo nga tito rolly – mapa pilipino o intsik, may kupat ang mga yan lalo na pag supot.

    oo kumpleto ang CSNY. pakana itong tour ni neil young dahil sa bago niyang labas na CD – “living with war”. kinanta nila lahat yung mga songs sa CD plus yung mga paborito nating lahat: teach your children, our house, almost cut my hair, carry on, woodstock, etc.

    4 hours yung concert kaya sulit na sulit. iba pala pag live sila – ang galing. sana mapanood mo rin sila one day.

  11. hehe! para akong nag see-saw 😀 But that’s just how life is, di ba? There’s always a good side and a bad side. It’s up to you how you want to take it.

    I’m so glad I got to meet you guys on your first day in CA. Wish we could have spent more time together.

  12. d2 sa pinas tumingin ako sa record bar ng 4 way street double cd ng CSNY, nagtanong ako sa sales lady ang sagot ba naman sa akin, hindi po CSNY yun, baka po NSYNC..ang sabi ko hindi iha anak na nila ang NSYNC, yung dalawa jan ay kambal na anak ni graham nash, tapos naalala nung kupal na sales lady, ay opo mayroon kami CSNY, di ba ito yung kumanta ng hotel california? @#$&% spin a win.

  13. HAHAHAHAHA. maraming salamat pinatawa mo ako ng husto. NSYNC? bwahahaha. CSNY na kumanta ng hotel california? ayos. may nabili akong 4 way steet sa powerbooks nung araw. one of my all time favorites.

    pero walang sinabi yung 4 way street sa concert na ginawa nila ngayon. they really rock in person.

    hi JMOM – that’s right. on our first week in the US, we had the special privilege to meet you. what a great treat that was.

  14. Wow! One year ka na bang nandito…parang kailan lang na nagse-senti ka sa Singapore. Long time lurker na ako eh. Pero hindi pa naman certified na stalker.
    Korek ka sa pagkain, ako nga rin sabi ng ulo ko at tiya ko TAMA NA!!! TIGIL NA ANG LAMON…pero hindi ko magawa dahil iba ang sinisigaw ng puso ko…

  15. hello long time lurker but not yet stalker. mahirap talagang mag preno sa pagkain lalo na pag may kasama ka sa bahay na mahilig magluto.

    maraming salamat sa pagbisita. hanggang sa susunod mong pagbalik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *