SEEDLESS THIS, SEEDLESS THAT

seedless grapes
seedless watermelon
seedless bayabas
seedless orange

puro seedless na lang halos lahat ng mga nakakain kong prutas dito sa singapore. kailan kaya sila maglalabas ng seedless na kasoy?

nabawasan nga pala ako ng 2 lbs. yehey! kaunti na lang, pwede na akong mag sideline na sexy macho dancer. hehe. maganda rin sanang sideline yung tulad ng trabaho ni ronnie lazaro sa “boatman” pero baka malamang sigurado oombagin ako ng misis ko.

24 thoughts on “SEEDLESS THIS, SEEDLESS THAT

  1. pucha. buti ka pa at naka lose ng 2 lbs! hindi na ata ako liliit. di naman seedless ang gusto ko, BONELESS! kakakain kasi ng boneless chicken, boneless bangus at boneless crispy pata! o siya.

  2. hello! batjay meron ba dyan seedless na atis? sarap yun kaya lang sobra dami buto, hehehe baka meron dyan? regards na lang dyan sa singapore.

  3. E kasi kaya ganun…

    Pag weekdays ok ka kasi nga kadalasan sandwich ang dinner natin

    Pero pag weekend, kanin na tayo. E lalo ngayon, natututo ka nang magluto ng kung ano-ano… napapasarap tuloy kain natin… hehe

    Sabagay ok lang mag-diet ka, pero mas importante, hindi ka sedentary. Araw-araw may exercise ka, physical and mental… 🙂

  4. Glad to hear you lost 2 lbs. Keep it up! Start on a low carb, low fat and high protein diet. Pack on fibers too, like cereals and nuts.

    Seedless pakwan ang gusto ko pero sobrang taas ng glycemic index kaya bawal din. Hirap talagang mabuhay ngayon, daming bawal.

  5. seedless fruits! ang sarap di ba at kaka spoil din. 🙂 sa pinas spineless, useless at brainless politicians dami di ba?. 😀 congrats on losing 2 lbs!

  6. 2 lbs. lang yon. tsaka nyo na lang ako i-congratulate pag 20 lbs na ang na lose ko.

    kiko: seedless langka, gusto ko ring makakita.

    doc emer: sige doc, high carb, high fat ba kamo? yang ang diet ko ngayon eh. hehe. maiba na nga. iwasan din ang prito.

    tin: honga puro genetically altered fruits ngayon ang nabibili rito. high yield, extra sweet and seedless.

    AnP: aray ko!

  7. di ko na maala kung kelan pa yung last time na nakakain ako ng fresh fruit as in picked from the tree. lahat yata ng fruits sa grocery ngayon, genetically altered or sprayed with chemicals to look fresh. pero sarap pa rin ng seedless grapes! 🙂

  8. ang hinihintay kong maibento ay ang seedless mangga! 🙂

    mahal ang seedless grapes dito sa Kimchilandia. Tapos yung local grapes nila masyadong makapal ang balat, mala-duhat, kaya tinatapon din.

  9. my friend owns WHITE BIRD along Roxas… hahahaha

    tell me lang if you wanna be earning some P40k plus tips a month na… :p

    and wearing black briefs w/ gold trimmings in front…

    mwahhh!

  10. Ay ang mga koreks, mega soju to death, lalo na yung mga tatang. Hay…di pa naman sila naliligo everyday kaya pamatay ang amoy sa loob ng bus during rush hours. Ewan ko ba. May kakaibang lansang mala-tinapa + soju-stenched breath + kimchi.

  11. medyo amoy malansa nga sa katawan ang soju. may after taste din siya na malansa at akin to the taste of patis.

    dami ko pang soju sa bahay. puro bigay ng mga kaopisinang koreano. di ko mainom dahil di ko gusto ang amoy at lasa.

    miss delish: ano ba yung white bird? gay bar? pwede ko doon isuot ang brief kong maong.

  12. naku yung trabaho ni ronnie lazaro? di kaya eh pag nabuhay ka pa pagkatapos kang umbagin ni jet eh may iba ding uumbag sa yo gaya sa ending nung pelikula?

    congratulations dun sa two pounds. 🙂

    ako 1 pound lang. dahil nagpagupit ako nung linggo.

  13. kaya siguro ako nabawasan ng 2 lbs. – nagpagupit ako nung sabado eh.

    di ko na maalala yung ending ng boatman. ang tagal ko na itong di napanood ulit. high school pa yata ako nung napanood ko ito na last.

  14. be afweyd!!!! be vewy afweyd!!! behave ka na anjan na si jet!

    yung ending nung boatman eh pinutulan ata siya tapos pinatay. hehehe. di ko rin maalala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *