SEE THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

hello mylab.

kamusta ka na? miss na kita. sana narito ka rin sa singapore dahil mas masaya sana kung kasama kita rito. nakita ko ulit ang mga kaibigan natin nung isang gabi. kumain kami sa kiong siak ng fish head curry at yung paborito nating shrimp paste fried chicken.

tapos the other day, pumunta kami si office at napadaan sa dati nating tinitirahan. nakita ko yung neighborhood at yung mga kalyeng nilalakaran natin nung dito pa tayo nakatira. nakita ko rin yung blue mosque sa likod ng bahay natin, yung school sa tapat nito at yung loyang point na madalas nating binibilhan ng grocery. bigla lang akong nalungkot. ewan ko ba. pakiramdam ko kasi, bisita na lang ako rito – wala nang claim of ownership sa lugar na itong minahal natin ng husto.

tawag na lang ulit ako mamaya. pahinga ka na.

lab U!
jay

p.s. nag email nga pala sa akin si emman na taga philippine daily inquirer – lalabas daw bukas sa global pinoy section yung interview niya sa akin tungkol sa libro at pagiging OFW. magpapabili ako ng copy sa mommy. sabihan mo rin ang mga taga jordan na bumili ng sunday inquirer bukas.

13 thoughts on “SEE THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

  1. batjay, your story will come out tomorrow Sunday, Nov26 in the Philippine Daily Inquirer’s Global Pinoy section. The page next to the metro page.

    hope you could get yourself a copy.

    cheers,
    emman
    balbahutog.blogspot.com
    emmancena.blogspot.com

  2. ang gaganda ng pictures natin! natutuwa akong makita kang muli tay, pero sana kasama si inay…. pero ayos na din, dahil malamang magkita naman kami sa december!

    inay jet, ayos ba tayo jan?

  3. Nabasa na daw ng Mommy mylab. Naiyak nga siya kasi proud daw siya na SIL ka niya… hehehe.

    I hope talaga that next year, kung makakauwi man tayo, we’d be better prepared, para naman maisingit natin ang Singapore sa itinerary natin. Ang sarap siguro maglakad lakad diyan remembering our 4 years.

    Ingat ka din and I miss you so much. Labyu!

  4. hello mylab. buti naman at nabasa na ng mommy ang article. ngyehehe… naiyak ba siya? lagot.

    daan na lang tayo rito sa singapore next year para masaya. pwedeng before manila para dito tayo mag adjust ng jetlag. but i don’t really mind when as long as we can visit and see our old friends again.

    ingat ka diyan mylab. lab U.

  5. Ngayon lang nangyari sa palengke na ang halaga ng tinapa ay tatlo isang daan plus 18 pesos bat. May value added tax na rin ba ang tinapa? hindi ang sagot ng tindera. ang 18 pesos ay ang presyo ng sunday inquirer na espesyal na pambalot ng tinapa ngayon dahil feature doon si batjay, kaya may 18 pesos na bat. I see, kaya pala nagkalat din ang pirated dvd copy ng sunday inquirer sa mga banketa na nadaanan ko kanina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.