SEE HOW THEY RUN LIKE PIGS FROM A GUN

teka lang, taympers. may naalala kasi akong importanteng payo tungkol sa humility and forgiveness. this is in the tradition with the love your enemy philosophy at passive resistance techniques ni mahatma gandhi. eto ang payo: kung mayron ka raw kaaway ay magpakababa ka – humble yourself, scratch your betlog, apologize and shake the hand of your now ex-enemy profusely. i bet, there’s no apology as satisfying as this. ayan mga braderensister, isa na namang libreng tip tungkol sa kababuyan ang natutunan ninyo sa akin. next time, sisingilin ko na kayo.

actually, isantabi muna natin ang patawa. isa ring dahilan kung bakit gusto ko itong i-bring out ay dahil napansin ko, karamihan ng mga pinoy na lalaki (ewan ko sa mga babae) ay hindi naghuhugas ng kamay pagtapos umihi. medyo similar na rin ito with scratching one’s balls dahil same general area. which is why, you really need to think twice before you shake some guy’s hand. nakakadiring isipin ano? sabi nga ng mga seksing english speaking na colegiala: “yuck, how baboy naman the pig!“. para safe, magbaon na lang kayo ng alcohol hand sanitizer para may panglinis kayo pagtapos nyong makipagkamayan sa bagong acquaintance. may eksena si jason lee roon sa pelikulang “mall rats” – which is similar to what i am talking about.

32 thoughts on “SEE HOW THEY RUN LIKE PIGS FROM A GUN

  1. Wow, John Lennon. Anu nga ba sabi nya? “I am the eggman, they are the eggmen – I am the walrus.” =)

    Sino naman ang kaaway natin ngayon? Me joke dyan ang Tita kong MD (MD for her is matandang dalaga), sa States kasi ang “peace be with you” sa simbahan, me kasamang shake hands pa, di katulad dito sa atin na simpleng ‘pisbiwidyu’ lang. Sabi nya minsan natatakot daw syang kumamay sa mga guys lalo na yung mga mukhang DOM, kasi di na daw naghuhugas ng kamay yun pag umiihi sa washroom. Hehehe. =)

    How can there be ‘peace’ then if you can’t stopped thinking about what that man held last? =)

    Opinion lang nya naman yun. Baka yun din ang reason kung bakit di sya nag-asawa.

  2. Naku Batjay, unang pasyal ko sa iyong blog pagkatapos kong naayos ang busy kong buhay, peace be with you na ang naabutan ko. Ganon ba yon? Yikes.

    Alam mo talaga, sa aming simbahan, with corresponding shakehands ang pa-hug-hug pa. Minsan nakikita ko pa ngang kapupunas lang nila ng sipon..Yikes ulit.

    Marunong na akong mag link :-). Kaya link na rin kita..oks ba?

  3. I just read your email. Thanks, BatJay.

    I have one more take on this: the MAMANG SORBETERO version. Wala nito sa States at dyan sa Singapore, pero madami dito sa Pilipinas. Ito yung ‘dirty ice cream’ na inilalako sa tapat ng bahay nyo, yung me kuliling na alam mong sorbetero.

    Mahalagang tanong: Naghuhugas kaya ng kamay (with soap and water, alcohol or sanitizer) si Manong Sorbetero pagkatapos jumingle?

    Hehehe. =) At eto kami ng mga kapwa ko doktor patuloy na nagwa-warning tungkol sa hepatitis sa mga pagkain sa kanto at turo-turo. Eh papaano naman yung sorbetes? Hindi naman piping hot yun, malamig yun, so mamamatay ba yung germs mula sa kamay ni Manong Sorbetero sakaling hindi siya naghuhugas ng kamay after jingle?

    Paano kung malikot sa chicks si Manong Sorbetero at meron pala siyang STD at di natin alam?

    Anong sagot?

    Masarap pa din ang sorbetes, no matter what?

    Hehehe. Nagtatanong lamang po. =)

  4. sus, paano naman magiging habit ng mga pinoy mag-hugas ng kamay after jumingle, eh kung saan-saan lang naman umiihi, hehehe! hm, yun bang mga mmda booths sa manila (bakit nga pala pink yon?), meron bang gripo dun?

  5. oo nga doc. hehe. naku – mayron pang mas intimate na contact besides dirty ice cream: yung mga lumpiang sariwa, mami-siopao, samalamig, at kung ano ano pa. parang mas masarap ata doc emer kung may mga germs. mas malasa pag galing sa pinagkamutan ang kamay ng tindero. BWAHAHA.

    sabi nga ng mga seksing english speaking na colegiala: “yuck, how babuy naman the pig!”

  6. tama si doc emer. walang hugasan ang kamay yung mga pink urinals. cover lang yon at ang ihi ay babagsak din sa kalye. kaya di masyadong sanitary tapos mapanghi pa. kadiri ano?

    mayron nga palang dirty ice cream dito sa singapore. makakabili ka ng ice cream cone at ice cream sandwich. ang isang advantage lang ay may plastic gloves ang tindero.

  7. Mawalang galang na po pero di ko talagang mapigilang sumabat nun mabasa ko yung tungkol sa plastic gloves ng mga tindero ng ice cream dito sa singapore. Nakakatawa dahil nakaplastic gloves nga sila pakatapos aabutin nila ung 1 dollar na bayad mo habang nakagwantes din sila. Tapos magpupunas sila ng basahan habang nakagwantes din. Baka yung kamay lang ang pinoprotektahan nila sa germs, hindi yung ice cream hehehe. Iyong lamang po.. isa po ako sa mga natutuwa at nakikibasa sa inyong blog.

  8. pero di po ba ok dahil di na kailangan uminom ng ihi na sinasabing pwedeng makapagpagaling ng mga kung anu-anong sakit (sabi dun sa isang nakalipas nyo na post manong batjay), at isa pa, may posibilidad din na makatulong sa pag develop ng immunity sa ating katawan ang ibang mikrobyo na makukuha natin galing dito (pwede pong mali ito). ika nga po ng iba, pag masyadong malinis mas madaling dapuan ng kung anu-anong sakit at bakterya. pero naitanim nyo na po sa aking isipan ang takot at pagdadalawang isip sa pakikipagkamay sa mga kapwang may itlog dahil doon sa post nyo tungkol sa itchy eggs.

  9. dios ko! napadaan lang ako eh puro na “jingle” nabasa ko…pero hmmm, di ko yata napansin yung pink booths?

    walang gripo? baka sosyal na at may baon na alcogel ha ha ha

  10. my mom is paranoid about things like that. we like to gross each other out with stories like these. graveh. kaya never ako nakatikim ng dirty ice cream. my mother has fits. she even tried to prevent our playmates from eating. 🙁

  11. alam mo bossing din-din, constant fear ko nga yang food contamination ever since nag seminar ako doon sa isang customer site ko sa pilipinas na manufacturer ng baby milk. they explained how easy it is to contaminate products from your body parts (lalo na yung body hair at kamay). and they also gave a primer on how bacteria builds up from sweat.

    most restaurants naman practice good hygiene and train their staff on the proper way to clean themselves up. but not all so hehe… you just hope that your favorite restaurant’s germ free and that their staff wash their hands properly.

  12. hi gail! ngyehehe… you’re missing out a lot kung di ka pa nakatikim ng dirty ice cream. siguro tama nga ang mga sabi ng matatanda. nakakatulong yung germs para maging strong ang resistance mo sa sakit. so far, healthy naman ang childhood ko kahit panay ang kain ko ng sorbetes at fishball.

  13. justice. di mo ba nakita ang pink urinals? papadalhan kita ng email. sana may alcogel rin ang mga umiihi at dapat lang na mag wash ng hands. it’s the right thing to do otherwise…

    isa pa yung sore eyes. di ba contamination din yon? hehehehehehe… tanong mo kay jhing kung ano ang hinawakan nilang mag-asawa.

  14. hi atinna. oo marami nga akong naririnig na nakakatulong sa immunity ang pag take ng mga street food at kung ano anong mga similar na pagkain. siguro ay tutuo kasi ok naman ang pag laki ko. OR – baka kaya naging ganitong baliw ako dahil sa pagkain ko ng street food. HMMM…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *