SCENES FROM HOME, PART II

PI-JUNE-03-207

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends (“i also friend him”, hehehe).

si gigi ay panganay kong kapatid (ako ay bunso). kagagaling lang niya sa isang stroke at laking pasalamat namin na siya’y nakarecover. mga ilang araw din siya sa ICU ng heart center at lumabas sa hospital na walang ala-ala. siya yung babaing nasa lower right ng litrato na nakaupo. at oo, nakakakilala na siya. ang mommy ko ay nasa upper right corner. 79 years old na siya at b-day niya nung 31st ng may. mukha ngang blooming ang mommy ko ngayon. siguro na rin ay dahil wala na siyang masyadong problema sa pang araw-araw na gastos. ganito ko sila gustong maalala… nakangiti at umaapaw sa saya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *