SARSaPraninglia…

medyo at edge ang mga tao rito ngayon sa singapore. halos lahat ng tao ay natatakot sa Severe Acute Respiratory Syndrome ( or SARS). ramdam na ramdam mo ito sa mga bus at train. ang mga tao ay di mapakali. may uubo lang eh, naglalayuan na sila. may hahatsing? naku, kulang na lang tumakbo ang mga katabi.

malapit nang ma-praning ang mga tao rito.sa dyaryo ngayong umaga, 9 pages ang devoted sa SARS at 4 pages lang ang sa gulf war. sa office last monday, nag meeting ang mga boss at pinagusapan ang mga contingency:

  1. lahat ng galing sa hong kong ay may 10 day leave na free
  2. walang pupunta sa china this month
  3. sa business group ko – walang travel this month, period
  4. lahat ng nag sick leave the past two weeks ay pinapa-imbestigahan
  5. may sanitary soap na sa lahat ng mga pantry
  6. maraming memo about safety and precautions

kung ako ang boss, sasabihin ko na lang na work from home for 10 days. lahat naman kami ay may home pc. lahat ay may telephone at cellphone. pwedeng i-forward lahat ng calls sa bahay. lahat ay may broadband. lahat may VPN. lahat may separate na office supplied 3rd party ISP. maraming advantages ang work from home in terms of safety from SARS. isa pa: pwede akong hindi magsuklay, mag tooth brush at maghilamos bago magsimulang magtrabaho.

anong personal na ginagawa ko para safe ng kaunti sa SARS?

1. maghugas ng kamay everytime
2. magpahid ng alcohol bago umupo sa desk.
3. lumayo sa maraming tao tulad ng mga malls, sinehan, kainan na aircon
4. huwag didikit masyado sa mga tao pag nasa train or bus
5. stay at least 3 feet away from people in the escalator, elevator, side walk, bus stop

ah oo nga pala…

6. huwag mangungulangot in public.
7. huwag mag tanggal ng tinga in public
8. huwag mag kutkot ng tenga in public
9. huwag mag tanggal ng muta in public

hehehe… kadiri to death!

DAGDAG: sabi ng WHO…”Particularly puzzling are the great differences between areas where outbreaks appear to have been fairly rapidly contained and confined to health care settings and persons in close face-to-face contact with patients, and other areas, such as Hong Kong and Toronto, where transmission is continuing despite the prompt isolation of patients and introduction of strict barrier nursing practices.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *