SAAN NA ANG BARKADA

Ha! nalaman ko na nasa binyagan sa malinta ngayong araw na ito ang mga barkada ko! ano ba yan, birthday nung friday tapos binyagan naman ngayong sunday. sobra na yan ah, naiinggit na naman ako…binyag ngayon ng bunso ni pareng lando, ang aking malapit na kaibigan nung high school. si abby, ang kanyang panganay ay inaanak ko. high school nang bruha at malapit nang may aakyat ng ligaw sa kanila… hehehe. gagantihan na ata ang pare ko. apat na ang anak ni lando. dami no? libog kasi eh… hehe.

si lando ang unang nag-asawa sa amin. siya ang original na chick-boy. lahat ata ng mga teacher namin eh niligawan niya. nung high school kami, maraming gimmick ang pare ko na pwedeng gawing x-rated na pelikula. di ko na ikukwento rito at baka mabasa ng asawa niya. masapak pa ako ng wala sa oras. parati kong kasama si lando nung high school. malapit din ako sa pamilya niya. parati kasi ako sa bahay nila sa malinta at kalookan – nakikikain.

si lando ang pinakamatanda sa amin, kasing idad niya ang notre dame. hehehe… itong october, 40 na siya. bwakanginangyan, ang tanda na namin. siya ang unang nagkaroon ng lisensya at nung high school kami, pag may gimmick, siya parati ang designated driver. ganito ang gimmick namin: sa school, may monthly math quiz na nakapost sa bulletin board. ang premyo ng tamang sagot ay 200 pesos. ang isa naming classmate na si egayandthjakolytes ay math wizard. malibog din si egay pero that is another story. anyway, sumasali si egay dito sa math quiz at parati siyang nananalo. so, yung prize na 200 pesos, gagamitin namin na pambayad ng beer sa ibat-ibang mga inuman sa kalookan city. so byahe kami kung saan-saang inuman at si lando ang driver namin. dala nya parati ang kanyang volks na beetle (buhay pa rin hanggang ngayon!). minsan sa sobrang lasing ko, ay nasukahan ko ang balikat ni lando, kasi, di nabubuksan ang bintana sa likod ng volks eh. sorry pare, birthday mo pa naman noon.

ngayon, binyag na ng anak ni lando. sigurado ako, pinagkukwentuhan na naman nila ang kwento kong ito na paulit ulit na kinukwento tuwing nagkikita ang barkada. pareng lando, sana maligaya ka ngayong araw na ito. sana nandyan kami ni jet para makisali sa saya. miss ko na kayong lahat…

Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na nga ba’ng barkada ngayon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *