ROCKET MAN

hindi naman masama loob ko na hindi natupad yung childhood dream ko dahil na realize ko rin naman ang mga pangarap ko. nung high school kasi kami, mayroon kaming career orientation month. half day ng buong enero is spent talking to different professionals na bumibisita sa school namin. ang objective ng interaction ay supposedly para makapulot kami ng tips kung ano ang pwede naming gawing full time career. bukod dito, mayroon ding mga psychological examinations na binibigay ang guidance office para malaman namin kung ano ang aming pwedeng gawing profession based on competence and inclination. dito ko nga nalaman na bukod sa engineer, pwede pala akong maging forest ranger, diesel mechanic at saka cosmetologist (ie, mangkukulot sa beauty parlor).


one day, during one session doon sa career orientation, may nagsalita na isang instructor sa UP college of engineering – si mr. echevarria. kuya siya ng dati naming classmate. nagsalita siya about a career in electrical engineering at kinuwento niya sa amin kung paano siya umiikot all over the world doing projects. habang nagsasalita siya, parang may malaking bumbilyang nagbukas sa aking pag-iisip, di malayo doon sa bumbilyang nakikita ninyo sa cartoons pag nagkakaroon ng magandang idea yung bida. yon speech kasing yon ni mr. echevarria ang nagsilbing inspiration para kumuha ako ng engineering. it’s funny how your life changes just because of one small speech in one small session. tulad ni mr. echevarria, gusto ko rin kasing mag travel sa kung saan saan para gumawa ng iba’t ibang mga projects. at yon nga ang nangyari sa akin.

after 41 years, maligaya na ako sa buhay kahit papano. pero gutom pa rin ako kaya sana bigyan pa ako ng ilang taon pa para mas mataas at mas malayo pa ang marating ko. wala na akong outerspace ambitions pero putangina, kahit 1/16th lang noon ay ok na sa akin. kung hindi, mag-aaral talaga akong magkulot ng buhok at magmekaniko para pag retire namin ni jet, magbubukas na lang kami ng shop sa pilipiinas. ito ang iniisip kong sign: “BATJAY DIESEL ENGINE MECHANIC – NAGKUKULOT DIN”

10 thoughts on “ROCKET MAN

  1. Hi batjay! i recently bought copies of your book to give away to some friends who regularly read your blog. FYI, sold-out sa NBS Market!Market! branch when i checked this week, sa NBS katipunan pa ako nakahanap. hanep, in demand yung libro mo talaga. congratulations! is there any chance that you will schedule a book signing while you’re in manila? please send me a private mail so i can have the books signed by you before i give them away. thanks! merry christmas to you and jet. i hope you enjoy the rest of your stay in manila.

  2. thank you – alam ko naman na magki-click ito. marami kasing mga diesel engine sa maynila at saka maraming gustong magpakulot. merry christmas din sa iyo denden. salamat sa pagbalik mo rito.

    dear miss babaeng medyo mataas ang lipad, first – maraming salamat sa sipag mong hanapin ang libro. medyo mahirap ngang maghanap sa mga bookstore kasi they don’t stock as many quantities as they should. i’d love to sign the books for you kaya lang narito na kami ngayon sa california. short lang kasi ang vacation – pag may opportunity na umuwi next year, sasabihan kita.

    ingat.
    jay

  3. Idol musta na dyan nasa pinas pla kayo ni tita jet. Merry Christmas nga pala sa inyong dalawa at sa mommy mo.
    Okay ang naisipan mong trabaho na mekaniko cum mamgungulot wag mo lang gagamiting pangkulay sa buhok yung langis sa kamay mo hehehe.

    by the way nagpapabili ako sa pinsan ko sa manila ng KT pero wala syang makita, available ba ito sa botika este sa nagpi-print? paki bigay naman ang address para mapuntahan at makabili yung cousin ko, pamimigay ko sana sa mga arabo para naman sumaya ang buhay nila bwahaha.
    seriously, yung address ha ty ng marami

  4. ako rin minsan pinangarap kong lumipad. kaso nung tumatagal na, parang napag isip isip ko na hindi ata ako makakalipad, kaya, tanong ko sa tatay ko, tay, pano po ba maging aswang?

  5. maglagay ka ng muta ng aso sa mata mo, makakakita ka ng aswang.

    KD – subukan mong bumili sa national bookstore, powerbooks, fullybooked, filbars, mag:net or booksale.

    pag wala pa rin, dumiretso ka na sa publisher. ang opisinia nila ay sa cubao. heto ang detalye:

    Publishing Company: PSICOM
    Contact persons: Sarah Grutas or Arnel Gabriel
    Phone Numbers: 912-3085 or 911-3196

    Address:
    6 Yale St., Cubao, Quezon City, Metro Manila, Philippines

  6. I dreamt of being a nurse when I was in elementary school. Sadly it did not happen because we were so poor I could’nt even go to college. I persisted though and went to the old PCC (now I think its called Polytechnic School)at night and took accounting. I worked as a labandera and part time tindera to pay my tuition (quarterly evening classes were cheap then). I am not zealously happy but I am content with my life as it is. I always admire your rational reasoning about life, your work, and the funny way you interpret things around you. Not to forget and most important of all your love for your wife and family back home. You absolutely inspire me even though I am way older than you are. Keep your dreams/aspirations in high gear whatever it is and before you know it, you already achieved it. Merry Christmas!

  7. hi clett.

    that’s really impressive. i admire people who have overcome overwhelming odds and made something out of their lives. you certainly have made your life better. thank you for the good things you’ve said about me. in a way, we are both the same – we’ve made something out of the cards we were given.

    good luck and take care.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *