Remember in elementary school?

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

30 thoughts on “Remember in elementary school?

  1. He he…ako naman ang bisyo ko sa traffic ay ang paglalagay ng makeup. Palibhasa lagi akong late, wala nang oras sumalang pa sa harap ng make-up artist bago mag-umpisa ang newscast ko.

    My friend Coco has actually raised it to an art form, because she used to drive herself. Yun tipo bang sa isang mata kada trafic light. Tapos foundation, tapos lipstick. 😀

  2. hi perskasin pradamama.

    ang sarap ng vacation namin dito sa pilipinas. sana kasama namin kayo rito. ngyehehe… i think i heard you tell this make up story in traffic before. it stil is funny. but what i haven’t seen in a long time is a woman driver in rollers. i used to get a big laugh out of that.

    sa kotse ka pala naglalagay ng make up ha. hindi naman halata sa TV.

  3. yung iba ang hobby eh mag text habang nag da drive… minsan yung driver ng mini bus na sinasakyan ko eh nag tetext habang nagdadrive… gusto ko sigawan ng “Hoy mama baka mabangga tayo” kaya lang pag sinigawan ko yung paniguradong mababangga kami dahil sa gulat 🙂

  4. Batjay,
    Maraming salamat sa blog mo. You’ve won me over 69 times. Galing mong magpatawa. Idol!!!
    Sayang at di man lang kita nameet dito sa Singapore para makapag-pa-authograph.. Kaya ka pala magaling magpatawa eh MIT ka rin na katulad ko..nyehehehe..

    BTW, I have a question: Bakit ang suot ni superman eh hapit na hapit? Pag di mo alam ang sagot eh sabihin mo lang..ehehehe

    Tio Paeng- Student #93 sa Mapua

  5. Although I see your point in schools being just schools, I beg to differ. Students still need to be aware and participative in the issues plaguing our society. In fact, everybody should. Aminin na natin, may maling nangyari at kung palalampasin lang natin, we’ll be compromising our system. Still, I see your point in making the expression subtle. Mukha na kasing circus talaga.

  6. dear paeng.

    maraming salamat sa pagsulat. oo, taga malayan coleges din ako kaya siguro twisted ang sense of humor ko. taga singapore ka rin pala. sayang nga di na kami based doon simula this july.

    bakit hapit ang suot na damit ni superman? ewan ko. baka gusto lang niyang kunwari malaki ang mga shortcomings niya. siguro rin, para aerodynamic para mababa ang friction pag lumilipad siya. ano na nga ba ang coefficient of friction? nakalimutan ko na.

  7. hay, sobrang freedom of speech talaga! lahat na lang gusto may sinasabi. manong tumahimik at umaskyon na lang. talaga naman. isa pang haaaay.

  8. Sorry po, hamak na estudyante lang po ako. Kahit man lang marinig opinyon ko, ok na. Parang blogging din naman diba?

  9. mang batjay,
    speaking of superman, may tanong din po ako sa inyo: why does superman always come to the rescue?

  10. dear buttgirl,

    tinanong ko na yan dati kay superman kung bakit siya parating to the rescue. sabi niya eh ano raw ba ang suggestion ko na pwede niyang gawing alternative.

    cheers,
    jay

    ps sabi ko nga, pwede naman siyang mag negosyo ng “Buy and Sell” na lang

  11. dear view from katipunan,

    medyo di ko naintindihan ang sagot mo. parang blogging yung alin? pag issue ng statement ng mga schools to force presidents to resign? medyo iba siguro. actually, maganda ngang marinig ang opinion mo, kahit ikaw ay hamak na estudyante lang. pwede mong ilagay ang opinion mo sa blog mo or even rally outside and ask the president to step down. that’s great.

    pero masama sa panlasa kung ang mga schools themselves buy full page ads in the newspapers asking the president to do this and that when they could have used the hundreds of thousands of pesos of advertising money to pay for some poor guy’s college education.

    there are better things that a school could do than get involved in politics.

  12. hi tin.

    daming mga opinion ano? lahat gustong sumali sa gulo. sana yung perang ginastos nila para sa mga adverts at press release ay ginamit na lang sa pag gawa ng scholarship para sa mga mahihirap.

  13. haaayyyy naku – sa hinaba-haba ng prusisyon – 100%x10 agree ako dun sa speaker ng low school LOLZ!

    A piece of my brain: As usual…knee jerk responses…sino kayang presidente ang hindi nakialam sa resulta ng eleksiyon?

  14. Batjay,

    Alam ko na ang sagot kung bat hapit na hapit ang suot ni superman!!!

    Eh kasi “S”, small, ang size ng damit nya.. hahahahaha..

    BTW, Sayang po talaga Sir Batjay a.k.a. Karyong Kalabit at di man lang nagkrus ang landas nati dito sa Singa-flor. Magpapa-authograph pa naman ako sa dila at magpapakuha ng picture kasi mukhang ekspert kayong photographer– ang gaganda ng kuha nyo sa halaman..–jok onli. Pero sa totoo lang eh hanga ako sa tindi ng sense of humour nyo.. Bat di kayo mag-part time writer? I wish you all the best sa pagmi-migrate nyo sa SoCal. Enjoy your vacation sa Pinas.

    Humahanga,
    Tio_Paeng_69

  15. Ahh, sorry BatJay, medyo antok na rin ako nung nagsusulat ako ng comment. Ang aking pintutungkulan ay yung na-publish na stand ng student body ng Ateneo (Sanggu at The Assembly). Consensus kasi yun ng mga students for Gloria to go through the process para ma-establish ang kanyang legitimacy. Mahirap na kung maraming tao ang magsasabing, “Hindi naman dapat siya ang ating President.” Nakakawalang gana, parang pinakasalan mo ang hindi mo lab.

    Pero yung sa faculty, hindi ko rin nasikmura yun. Medyo malakas kasi ang anti-Gloria sentiments nung nag-organize ng forum tungkol sa Gloriagate (gaya-gaya talaga kay Nixon) na yan. I remember nung nagka-forum dun eh binisita ko at wala namang resolution kung ano ang stand nila. Nagulat na lang ako sa full-page ad sa diyaryo. Pati teachers nagwiwithdraw na ng kanilang pangalan dun.

    henysison, maganda ang tanong ni trotskybee.

  16. Wala nga pala pating bayad yun! Kuripot kaming mga estudents kaya hinintay na lang naming i-mention siya ng mga dyaryo.

  17. hi batjay. welcome home. pero ewan ko kung anong welcome eto. still. tama yang low school na yan. pati simbahan dapat simbahan lang. yun lang.

    stuck ako sa makati. hay. hi jet. 😀

  18. i now feel the traffic of ortigas extension at 7am. (semi-nakatira na din ako sa antipolo.. dun sa may malaking golf ball) and same as renee, make up din ang bisyo ko during traffic. nakakafrustrate lang kasi magbasa ng dyaryo. panay masamang balita o balitang kasinungalingan… hehehe.

  19. Ahahahaha! Mega tawa ako dito sa title mo. ‘Lam mo manong Batjay hirap akong mag-comment sa blog mo. Wala kasi akong ma-say. Tawa lang ako ng tawa. Hinay-hinay lang ha at baka mapaanak ako ng maaga, hehehe. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *