Out in the streets of a runaway American dream

nag enjoy ako ng husto sa race for the cure nung linggo sa newport beach. sumama rin si jet kahit galing sa duty kaya tuwang tuwa ako. sabi sa balita, mahigit 30,000 daw ang pumunta roon para mag raise ng cash para sa breast cancer research.

RaceForTheCure2007-030

hindi kasing hirap ng last year ang 5k race ko dahil siguro mas fit ako ngayon, pero medyo hiningal pa rin ako sa 3 or 4 stretches na uphill climb. para nga maalis sa isip ko ang pagkapagod ay tinitingnan ko na lang yung pwet ng babae na tumatakbo sa harap ko.

RaceForTheCure2007-068

gustong gusto ko ang spirit ng pagbibigay dito sa amerika. maraming mga activities na pwede mong gawin para mag suporta ng mga iba’t ibang causes. itong sinalihan ko ay maganda kasi yung beneficiary ay para sa ta-tas (ie, boobs, dyoga, suso, bumper). did you know that one in eight women in america will be diagnosed with breast cancer in her lifetime? ayan, napa english tuloy ako.

RaceForTheCure2007-066

involved din ang opisina namin sa charity events ng mga empleyado. yung contribution namin ay tinutumbasan nila kaya malaki ang na raise namin na amount (over $6000 and counting). tax deductible din ang mga donation kaya pwede kang magibigay ng pera na hindi masyadong mabigat sa bulsa.

RaceForTheCure2007-007

gusto ko rin ang venue ng race for the cure. ang newport beach ang isa sa pinakamagandang city sa southern california. malapit siya sa dagat at marami kang makikita rito na mga restaurants, bars at attractions na hindi pang turista. ang ibig sabihin ko ay, if you want to experience southern california like the natives do sa isang lugar na hindi tourist trap, visit newport beach. pag nanalo nga si jet sa lotto someday, dito kami titira.

RaceForTheCure2007-051

here’s how I did this year:

total distance: 5.25 KM
total time: 26 minutes 50 seconds
pace: 5.06 min/km (8.14 min/mile)

RaceForTheCure2007-000

nung isang taon, ang tinakbo ko ay 29 minutes 59 seconds. ang oras ko this year ay 3 minutes at 9 seconds better – hindi na masama para sa isang 41 year old diabetic ex-virgin cook.

RaceForTheCure2007-003

finally, gusto kong magpasalamat sa mga nag donate ng kanilang pera para sa aking pagtakbo. babanggitin ko sila isa-isa dahil hindi sila kuripot. hehehe:

  1. Mylabopmayn Jet
  2. Ceci, our Pinay friend here in California
  3. Kathleen, my running partner sa opis
  4. Jim, my colleague in North Carolina
  5. Antonia, our old friend in Singapore
  6. Denden Celso, our online friend
  7. Junnie ng Memento, another old online buddy
  8. Plain Jane, one of my earliest benefactors and a very kind soul

para sa mga gustong mag donate, pwede pa hanggang October 16.

27 thoughts on “Out in the streets of a runaway American dream

  1. hindi na ako makakatakbo, kaya nag-donate na lang ako…:)

    pero naglakad naman ako ng 5km last weekend, so parang pareho na rin tayo ng ginawa :))

    in spirit we were one for a good cause..keep it up ‘pre! next year ulit!

  2. woohoo – maraming salamat ulit sa donation mo, pare ko. it really meant a lot.

    nag enjoy talaga ako nung linggo – pwede palang pagsamahin ang activity na gusto ko (ie, running) with charity work.

  3. tru your sportymind ay mawala ang homesickness mo and your wife and keep it up.
    sayang malayo kayo sa akin,sana may sparing partner ako sa pagtakbo ,i am also fond of sports.mga pinay dito sa place ko,after na magkaasawa at anak wala ng interest sa sport,kaya halos sila ay chubby at sakitin at lalo na sobra depressive.

  4. Pingback: 2007 Orange County Race for the Cure

  5. always up, but you already know that. buti at nahilig ka sa sports – it’ll keep you fit.

    hehey tito rolly. pareho tayong may healthy body – laki na rin ng pinayat mo.

  6. Di ba race for the cause of Breast eh bakit sa pwet ka nakafocus,sabagay nasa harapan ang breast kaya di mo makita habang natakbo ka Batjay.Imagine kung pabaligtad ang takbo ng nasa harapan mo,baka matisod ka at ang bagsak mo ay sa airbag ng nasa unahan mo.I love that scene!!!

  7. mukhang good times talaga ang race for the cure mo ah! at bagay nga sa iyo ang pink…congratulations on your new PR…last year, may shirt ako na siyempre pink din at ang nakalagay eh “save the boobies”…hahaha…siyanga pala, sa pagtakbo mo, unsolicited advice lang…do a lot of stretching…wag kang gagaya sa akin, eto next week na ang marathon eh nagwawala pa ang IT band ko…lekat yan, kung kailan malapit na saka pa nag-inarte!

  8. nakita ko rin ang “save the ta-tas” at natawa ako ng malakas ng mabasa ko ito. oo, i did well this year. di ko na expect na tatakbo ako ng 8’14 per mile. ang goal ko ay 9’30.

    oo, i do a lot of stretching before and after i run.

  9. sana meron ding ganyan sa Phils kasi marami na rin tayong kababayan na merong breast cancer and one of them is my childhood playmate and best friend, since walang insurance sa atin, hingi siya ng tulong from everybody and tried the alternative medicines, praying healing, goji, spiritual healers… yesterday my other friend e-mailed me that she is now getting chemo. My mom and I were talking yesterday how much difference we have learned since we lived here in the US like sa atin sa Phils pag may sakit ka na hindi maeplain, its kulam, kung may sira ka sa ulo , the only thing to do is bring the person to mental hosp. pero dito like my Mom’s case, although the doctor’s just tells me that it is a complicated case, I’ve researched and her condition falls under Crohn’s disease – this has something to do wiht the fistula. Mga taong medyo loose ang turnilyo falls into different categories, schizo, ADD, autism, war veteran syndrome, etc, etc, . dati gradweyt lang ako ng kalsada ng Bo. Bayanihan, ngayon dami kong natutunan from the internet hiway

    on a lighter note: asan pix mo ng Bo. Talipapa?

  10. for those who can’t run here in the US, they donate blood, donating blood is a good way to lose weight too. My daughter donates her 12 inches of hair for the cancer society.

    just for fun, takbo ka din dito sa Bay to Breakers, masaya dito. you can wear a costume or wear your birthday suit, malamig nga lang dito sa San Francisco.

  11. 5k. wow. crossing my fingers, toes, legs and eyes that you’ll run double that next time. daming buns and knockers too see yun along the way lol…

  12. merong ding first class mail stamps for breast cancer 55cents for people like me na nagtetake na ng glucosamine/chondroitin, i had knee operation abt 7 years ago, araay

  13. being a donor is a big decision for Asians, but this is one race that really needs blood donation from our fellow kababayan’s, kudos to you Kuya BatJay and all other Pinoy who donate. and aside from blood there are other organizations for specific organ donations since it is really hard to find a match for Asian or mixed races. And when you get your DMV card, make sure that you stick the Donor Dot on the card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *