Putangina, nakatakbo ako ng marathon



sinong mag-aakala na kakayanin kong tapusin ang 26.2 miles? bwahaha. kung may nagtanong sa akin last year kung tatakbo ako ng marathon, baka natawa lang ako ng malakas at biglang nag ingles ng “you gotta be fucking kidding me”. pero last year was an eternity ago. maraming nangyari na nag udyok sa akin na tumakbo and i did. last sunday, around 12:10 PM, tinawid ko ang finish line ng san diego rock and roll marathon in 5 hours and 17 minutes.



medyo nahirapan lang ako nung mile 18 dahil bigla akong nag cramps sa magkabilang paa. makakatawa nga pag iniisip ko ngayon kung ano ang nangyari sa akin, pero nung tumatakbo ako, akala ko ay hihimatayin ako sa sakit. tumigas kasi bigla yung kaliwang binti ko, tapos after a while yung kanang paa ko naman.



pahinga. lakad, takbo. hindi nagtagal, yung kanang binti ko naman ang tumigas na sinabayan din ng pagtigas ng lahat ng daliri ko sa kaliwang paa. naisip ko nga, ang hindi lang ata tumigas nung tumatakbo ako ay yung titi ko.



pero seriously, gusto ko na ngang tumigas ang titi ko para magjajakol na lang ako. ang sakit kasi – ngayon lang ako nakaranas ng pulikat na almost paralyzing ang hapdi.



pero nailakad takbo ko pa rin. alam mo ba yung pakiramdam pag may nasimulan ka na at nung nasa kalagitnaan ay nagkaroon ka ng matinding problema na iniisip mo na tuloy kung itutuloy mo pa rin yung binabalak mo dahil hirap na hirap ka na? ganon yung naramdaman ko. iniisip ko na lang na hindi ako pwedeng mag give up dahil napakahirap ipaliwanag kay jet kung bakit hindi ako tumawid ng finish line. kaya nga minabuti ko na lang na tapusin ang marathon kahit tumawid pa ako ng finish line ng sakang.



isa pa, pinangako ko sa sarili ko na tatapusin ko ang marathon dahil dedicated ang pagtakbo ko kay jet na halos malapnos ang batok dahil sa sunburn gawa ng matagal na paghintay akin sa finish line. 17 year anniversary namin nung 25th ng may.



dedicated din ang pagtakbo ko sa mommy ko na nag celebrate ng birthday niya nung may 31st. she turned 83 years old, or is it 84? i am not sure – but who the fuck cares, malusog pa rin siya at in good health and that’s all that matters.



inalay ko rin ang pagtakbo ko sa kuya kong si howlin’ dave who passed away last week. during the race, iniisip ko siya. especially during the last mile. i needed to finish strong kaya binulong ko na lang – “putangina, dante. ngayon ko kailangan ang tulong mo”. miraculously, nawala yung cramps ko and i was able to cross the finish line in style.

57 thoughts on “Putangina, nakatakbo ako ng marathon

  1. pucha, naluha ako sa part na binulong mo kay howlin’ dave na kailangan mo tulong nya!

    pero pocha, ang ganda ng costume mo! congrats for finishing the race. i know the high that it gives, kahit hindi pa ako nakatakbo ng full marathon, puro 10k at half lang!

    btw, have you seen the movie Run, Fatboy, Run? it’s a great, uplifting film… tyak ko magugustuhan mo yun!

  2. jennipeng!

    bakit gising ka pa?

    oo nga, pampalakas loob ang bulong sa isang rocker lalo na dahil rock and roll marathon ang tinakbo ko. sarap ng pakiramdam ng pagtawid ng finish line.

    akala ko ayoko nang umulit pero i’ll probably do it again.

  3. Batjay,

    Matagal na ‘kong hindi bumibisita sa blog mo. anyway, congratulations sa marathon mo.

    Tumakbo rin ako dun sa San Diego. 2nd marathon ko in my lifetime and for the year. Ang masasabi ko lang e: “bakit ko ba nakahumalingan ‘to?”. Fulfilling ‘yung makatapos na marathon. natapos ko ng 4:58.

    If you have seen the documentary “spirit of the marathon”, you will realize how life changing participating in a marathon can be. parang ang dami mo kayang ma-achieve pag nakatapos ka. You discover a lot of things about yourself. I recommend it to everyone.

    pag maypagkakataon ka, iniimbitahan kita sumali sa Phoenix Rock N Roll marathon sa January. Mas flat ‘yung course. Marami rin sexy kahit winter.

  4. Galing ng blogsite mo pare, bilib ako sau…baguhan pa lang ako sa blogging, medyo nagkaroon ng interest nung naka basa ako ng mga blogs, lalu na itong site mo.. OFW din ako for 17 years na.. sana dalaw ka rin sa site ko and i will appreciate if you can help me to modify my profile and how to generate my site.. Thanks and more power, i wish all the best for you parekoy… goodluck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *