Pride is the shirt of the soul

hindi siguro ako makakapag damit kung hindi naimbento ang cotton. siguro dahil lumaki ako sa south east asia kung saan walang katapusan ang summer. pawisin pa naman ako. kaunting galaw lang, tulo pawis na ako at mahirap kung hindi cotton ang suot kong damit. buti nga wala akong putok kung nagkataon, wala sana akong kaibigan ngayon. parati ko ngang sinasabi kay jet, pinanganak ako sa maling bansa. hindi ko talaga type ang init. in fact, mas makakatagal siguro ako sa extreme cold as opposed to extreme heat. baligtad ito sa boss ko sa singapore na takot naman sa lamig. ayoko ngang sumakay sa kotse niya kasi hindi nagbubukas ng aircon. imagine nyo na lang kung ano ang pakiramdam pag nakakulong ka sa kotse habang bumabyahe kayo sa isang tropical country. kaya nga malaking ginhawa ang paglipat namin dito sa california – hindi na pinagpapawisan ang singit ko. pero siyempre kahit maginhawa na, cotton pa rin ang gusto kong suotin.

10 thoughts on “Pride is the shirt of the soul

  1. kaya pala maski sa brief cotton pa din peborit mo..pati na rin sa medyas siguro..gusto ko rin minsan subukan na isuot yung mga jerseys na pang basketbol, balita ko high tech daw, it’s light weight, keeps you cool and it breathes! kaso saksakan ng mamahal, kaya balik din ako sa mga bargain na shirt na cotton…

  2. giordano lang ako, hanes or fuit of the loom, masaya na ako. although mayroon din akong mga water proof at sweat proof shirts na high tech – hindi ko enjoy ang feel nito especially when you’re in a tropical country. dahil sweat proof ang mga shirts, minsan they stay in liquid form inside the shirt and you feel it contact your skin. para kang naligo sa pawis. hindi naman lahat ay ganito. nike’s shirts are actually good – pero tama ka: mahal lang ng kaunti.

  3. eherm!!!

    Yun nga lang, someday kelangang bumili tayo ng mas magandang washer/dryer para pwede kong i-dryer ang cotton shirts natin na hindi sila umuurong šŸ˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *