Pope Paul, Malcolm X

malaking problema ngayon dito sa singapore ang bush fires. matagal na kasing hindi umuulan. impak simula nang dumating ako 2 weeks ako, di pa ako nakakita ng ulan. unusual for this time of the year ang drought na ito. kulay brown na ang mga damuhan dito dahil sobrang tuyo na ng lupa. nakakapanibagong tingnan. ito nga rin siguro ang dahilan kaya may bush fires. it only takes a spark, ika nga. record breaking na raw ito. 509 bush fires have been reported since the start of the year. ang total na ito ay mahigit na sa total bush fires ng buong taong 2004. paparating na nga ang tag-init at ang mga bush fire na ito ay preparasyon lang. dati rati, medyo mapapasigaw pa ako sa lamig sa unang bukas ng shower sa umaga pero ngayon napapasigaw na lang ako sa sarap.

tapos kanina, mayroong akong nakitang bulate doon sa loob ng shower room namin sa opis. siguro sobra nang init ng lupa at di na niya makayanan. kaya naka tsinelas na ako ngayon kung maligo. bumabalik kasi ang mga nightmares ko nung bata ako. pag nagpa-paa kasi ako nung araw, parating sinasabi ng mommy ko na kapag hindi raw ako nag tsinelas, papasok ang bulati sa tiyan ko. hanggang ngayon eh naaalala ko pa ito, lalo na kapag nakakakita ako ng bulati habang ako’y hubo’t hubad na naliligo sa shower room namin.

12 thoughts on “Pope Paul, Malcolm X

  1. totoo yung sinabe ng mommy mo. in Mississippi, kids are warned not to walk outside barefoot because they can contract parasites/worms that way. i doubt you have anything to worry about, but i know what you mean.

    bakit ba me shower sa opis?

  2. hi barb.

    may shower sa opis kasi may shop at fabrication area. i ride my bike to the office kaya i take a shower before i start work. the shower room where i take a bath is in the 1st floor and very near a small field. iniisip ko eh baka namamasyal ang mga bulati sa shower from there.

  3. Mylab, ingat ka dyan ha… sa bushfires at sa mga bulate.

    Bakit parehong ‘b’ ata ang mga peste ngayon dyan? La lang, bigla ko lang napansin.

    Wala bang measures ang government regarding the bush fires? La lang, just doesn’t seem like them to be sitting back, watching.

  4. ang lalong hindi ko maintindihan ay yung sinasabi ng matatanda sa atin na may lalabas na pari sa sugat pag umiyak. alam ko panakot lang yon pero bakit pari of all people/things? actually naalala ko lang yung dahil sa isang comment dito.

  5. sobrang init nga dito lately. buti na lang at umulan na rin. naisip ko nga yung mga matatanda dito sa sing na wala namang access sa aircon. di ba mas madali magka heart attack dahil sa init?

  6. oo nga tin, buti nga umulan na ngayon. at least di na masyadong mainit. di pa naman masyadong mainit dahil february pa lang. pag ganito pa rin ng april – lagot tayo. oo mas madali nga atang magka heart attack sa mainit na panahon. or is it heat stroke? perhaps it is both.

  7. siyempre naman mylab, magiingat ako sa bush fire at bulate. baka related nga ito? lumalabas ang mga bulate dahil sa sunog. hmm…. di ko alam kung ano ang ginagawa ng gobyerno. pero i am sure na may ginagawa dahil nasa news parati. balak ko nga sanang i suggest sa kanila na baka pwedeng kausapin ni lee kwan yew ang diyos para bigyan ng ulan ang singapore.

  8. hello batjay aliw naman ako sa mga kwento mo. karelate nga me. dito rin me sa singapore 2 months pa lang sobrang init ngaun pero at least umulan kahit konti nung weekend. s far naman wla pa me nakita bulate sa shower room namin pero maya pag uwi ko tingnan ko ulit or bukas pagpaligo ko magtsinelas na rin me iba na nag iingat hirap may bulate sa tyan di ba

  9. hey VJ. thanks for dropping by. welcome sa singapore. i hope you enjoy your stay here as much as we have. malinis naman generally ang mga flat dito. lalo na yung sa bahay namin kasi mahigpit ang asawa ko sa cleanliness. pwede ka nga sigurong kumain sa CR floor ng namin. pero yung sa office kasi ay nasa ground floor kaya madaling gapangan ng mga kung ano ano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *