PINALO NG KUTSILYO

ang caning ay valid na judicial punishment dito sa singapore. common din dito ang pag palo sa anak as a means of discipline. ak-shu-li, makakabili ka ng “mini yantok” sa palengke na may colored pang hawakan. masakit din ito ha – nasubukan ko na kasi mayron kami rito sa flat at pinalo ko ang sarili ko (kinky ‘no? hehe). hindi. ang tutuo eh, pamalo ito ng may-ari sa anak niyang makulit. pero pag bad boy siguro ako, baka ipalo ito sa akin ni jet.

nasa newspaper kahapon ang isang extreme case ng child punishment. dahil siguro may tililing (ie loose turnilyo) siya, isang babae ang kinasuhan dahil pinalo niya ng kutsilyo ang kanyang anak. ang ginawang dahilan ng nanay eh di raw makita ang pamalo kaya kutsilyo ang ginamit niya. nalaslas tuloy ang kamay ng bata. bakit pinalo bakit nilaslas? di raw natapos ng 8 year old boy ang kanyang homework.

o nga pala, naalala nyo pa ba yung high profile case nung amerikanong si michael fay a few years ago? tungkol din yon sa caning.

nung bata ako, tsinelas ang ginagamit sa akin ng mommy ko. palo sa pwet dahil makulit akong bata. looking back, di pala ako pinapalo ng daddy ko. all through my growing up years, it was my mom who disciplined me. hmmm… interesting.

ah, pati kuya ko pala. tsinelas din ang ginagamit niya pero hinahagis niya sa akin. masakit yon dahil asintado ang kuya danny ko at parati akong sapul sa dibdib.

8 thoughts on “PINALO NG KUTSILYO

  1. Grabe naman yon… at yung mga dahilan niya ha, so sick!

    Haaay naku… ano pa ba ang gagawin nila sa mga anak nila? Ipaalaga sa iba ng buong linggo kahit sa hindi naman nila kaan-ano kahit minsan across the street lang sila… tapos ngayon, paluin ba ng kutsilyo? Ika nga ni Ma’am Durga… nampotek namang nanay yan!

  2. isolated case lang siguro ito mylabopmayn.

    sabi sa dyaryo, may sira raw sa ulo ang nanay. malamang nga eh sira ang ulo, marami naman pwedeng damputin sa bahay na pwedeng alternative pamalo – tsinelas, walis, laundry pole, chopsticks…

  3. baka akala ni nanay di masakit ipamalo ang kutsilyo…ngayon hindi na talaga matatapos ng anak nya ang homework nya 🙂

  4. Dito sa Korea mga teachers naman ang sadista. As in accepted ang pamamalo, pambabatok at paninipa sa mga estudyante. Di nagrereklamo mga parents kasi ganon din naman daw kultura noong panahon nila, kultura ng violence.

  5. Buti binabato ka lang ng tsinelas ni Kuya Danny, ang masakit kung ikaw ang binabato sa tsinelas.

    Kanina ko lang nabasa yoong trip nila Mommy, taba ni Mommy ngayon, di ko pa nga siya nakausap para itanong kung nag-enjoy ba siya, pero siguro naman nag-enjoy siya….

  6. hi lynne. asintado si danny tsinelas. ang daming beses nga niya akong tinira sa katawan, parating sapul.

    tawagan mong mommy ko at kamusahin. mag eenjoy sa iyo yon na mag kwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *