PINAKANTA NA NAMAN AKO NG MGA WALANGHIYA

third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin – tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.

after the conference ay nag cocktails kami sa isang bar dito sa shanghai. nagpa-cater rin kami ng pagkain sa isang indonesian restaurant na kaibigan ni lau, ang country manager dito sa china. nag-imbita kami ng 50 customer at nilasing namin sila. hehehe. pati ako lasing? di naman. mga 6-7 boteng “serbesa mas fina” lang. dahil sa init eh parang tubig lang ito. maganda yung bar na pinuntahan namin. nakalatag lang ang beer sa harap ng mesa at kuha ka lang ng kuha. may darts at pool table sa ibaba. sa taas naman ay karaoke. inarkila namin yung buong bar kaya masaya. masarap ding makipag-inuman sa mga shanghainese (yun bang tawag sa kanila?). di rin sila papahuli sa good time.

SHANGHAI-2003-034
anyway, hinila ako ng isang kasama ko sa isang karaoke room sa itaas at tinutok sa bibig ko ang mike. nabigla ako siyempre – “no, no, no, i do not sing. i do not sing. i am sintunado. sabay abot ng tape: “side 2, naka-cue na yan!”. hehehe… medyo kargado na rin ako kaya binanatan ko sila ng mga walang kamatayang rock ang roll. yung mga chinese ang nagsasalang ng mga kanta kaya no choice ako sa mga selection. pero ok na rin, at least natuwa ang mga customer sa amin. game na game kami man!

highlight of the evening: may nag request sa akin na kumanta ng “runaway” ni del shannon. del shannon? wow, ang bigat ng mga taga rito. runaway…that very old and obscure 1960’s rock and roll number? wow, i’ll sing it man! sa tuwa ko eh hinablot ko agad yung mike sa katabi ko at nag song and dance sa harap ng di ko kakilalang mga tao. nawala nang hiya ko at this point and totally got lost. del shannon? hehehe… jeez. del shannon in china? ang galing! memorable sa akin ang kantang ito dahil once upon a time na dj pa ako, dinedicate ko itong song na ito sa isang classmate kong naglayas. narinig niya sa radio at umuwi. i shit you not, this is true story.

for my final song, hehehe, kinanta ko ang “you are so beautiful” ni pareng joe cocker. may kasama pang dedication sa mylab kong naiwan sa singapore dahil alam kong gustong gusto niya pag kinakanta ko ito. at, ladies and gentlemen, dito natapos ang aking music career sa shanghai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *