PIGGY BANK BLUES

nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you’ve done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.


siyempre napansin ito ng mommy ko at di nagtagal ay nahuli niya ako in the act na sumusungkit. sa sobrang kunsomisyon siguro ay parang nahimatay siya sa harap ko o baka naman napapikit lang ng matagal. i can’t remember clearly because it was so long ago. in any case, siyempre natakot ako kaya pagkatapos noon ay pinilit ko nang dinggin ang payo ng aking mga magulang, sundin ang mga tuntunin ng aking paaralan at tuparin ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan tulad nung binanggit sa “panatang makabayan“. nag-aral na akong mabuti, after a while ay nakatapos naman ako, nakakita ng OK na trabaho at napunta kung saan-saan para gumawa ng kung ano-anong mga racket. ang galing ano? lahat pala ng nangyaring maganda sa buhay ko ay pwedeng i-trace sa alkansyang kawayan ng mommy ko.

parang hindi ata bagay ang kwentong ito for this day pero nonetheless – happy mother’s day mommy. you’ve affected my life in more ways than one.

13 thoughts on “PIGGY BANK BLUES

  1. hapi mader’s day din sa mommy mo…

    Mang J, kung susundin ko ang hypothesis mo, ibig sabihin sa isang similar scenario nag-root ang aking lack faith in human nature?

    Like you, when I was a preschooler, may piggybank din ako. Gawa naman sya sa basyo ng rubbing alcohol. Siempre plastic, flexible. Nahuli ko sa akto ang and ditse ko, sinusungkit nya yung mga barya iniipon ko. Nagsisigaw ako, sabi ko “magnanakaw, magnanakaw!” Siguro pinalitan din nya yun, but I was damaged goods from then on. The trauma was probably too much & hence, wala na kong tiwala sa tao.

    hehehe joke lang. Pero totoo yung nangyari. Di lang yan madalas akong dayain nun sa pares-pares: singko panalo, diyes kung alas.

  2. kuya batjay!!!
    i’m alive, awake, enthusiastic..

    ehehe..

    happy mother’s day po sa mommy mo, nakita ko nga mga pictures nya, truly she doesn’t look 82, mukha pang mas matanda mga tita ko, e mga 60+ lang sila…

    i think the secret to your mom’s youth is the fact that she has amazing children, kasi naman look at her zest for life.. sobrang nae-enjoy nya siguro talaga ang mabuhay with her family, na she doesnt look like she’s ageing one bit. 😀

    happy mother’s day po ulet sa kanya.

  3. totoo ngay!!! 😀

    nakita ko yung picture nya dun sa luma mong post e.. hinde nga ko makapaniwala na 80+ na sya.. sana kapag tumada ako, hindi rin ako mukhang matanda.

    ahihhih

  4. Naku mylab, ang layo na nga ng narating mo mula sa panunungkit mo ng kawayang alkansya ng Mommy. And I know naman na marami ka na ring naipukol na kabutihan kaya itong mga ripples na ito, they somehow find their way back to you.

    We’ve been blessed with good mothers. 🙂

  5. hi and good day jay!
    tagal ko nang di nakakabasa ng blog mo, nabanggit mo yung bagong album ni donald fagen some weeks back kaya eto..nice to exchange ideas with people who listen to the same.. ganda nga ng laman ng morph the cat, walang tapon..swerte mo naman mapapanood mo sila in the flesh sa july. medyo nag mellow na si fagen at parang nahawa din si becker..from the countdown to ecstasy days, aja, pretzel etc..nung nagkabalikan na doon sa two against nature ganon din naman, walang itatapon,nag mature nga lang..mas quirky ang groove..yung nightfly at kamakiriad parang eto nga, karugtong ng morph the cat..yung the night belongs to mona parang naririnig ko ang trans island skyway. yung what i do, naalala ko yung things i miss the most sa everything must go album..sarap! ganun nga yata pag tumatanda na parang alak..mellows. pwede ba makahingi ang kaputol ng ticket ng concert nila pag nanood kayo?

  6. welcome back.

    bumili na ako ng tickets sa steely dan concert yesterday. kailangan pag nag open ang sale ay bumili na agad kasi mabilis maubos. so fan ka rin pala ng steely dan. kasali ka na sa mga matatalinong bloggers tulad nina chin wong, misispi, tito rolly at ni jet. i do love the new CD. sabi nga ni fagen, his solo work so far has been a trilogy – this one closes it out because it speaks about old age and death.

    i love “the great pagoda of funn” – sounds like a song i will play for our marriage.

    ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *