PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG

narito na kami sa brisbane mylab. umalis kami ng perth ng pasado ala una ng hapon. dalayed dahil nagloko raw ang fuel guage ng eroplano at di nila malaman kung full tank na ang eroplano. sabi ko nga sa stewardess, kumuha na lang ng mahabang stick para masukat nila yung level ng gasolina. wala, tiningnan lang niya ako ng masama. mahaba ang byahe from perth at mahigit limang oras kami. medyo turbulent ang flight at para nga kaming nakasakay sa roller coaster. matagal na akong sumasakay by air pero ngayon lang ako naka experience na nag free fall ang eroplano dahil sa air pocket. umakyat talaga ang betlog ko sa leeg dahil sa matinding takot – akala ko talaga ay babagsak. sa takot ko nga, muntik ko nang akapin yung katabi kong bumbay na amoy sibuyas.

bakit nga ba ganyan – may magnet talaga ako sa mga taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. ang malas ko pa ay nasa middle seat ako at itong katabi kong mabaho ay panay ang invade sa space ko. ang ayoko pa naman sa lahat ay yung may kumukuha sa arm rest ko sa eroplano. ang masama pa nito eh kung makailang beses pa niya akong sinisiko sa tiyan. di ko nga alam kung bading na pervert at hinihipuan ako ng pasimple. feeling ko eh para akong na tsansingan. ginawa ko na lang ay hinarangan ng unan ang pagitan namin. nakahalata siguro dahil iniwas na niya ang kamay niya pagkatapos.

maganda ang brisbane mylab. like most aussie cities, it faces the sea. in this case nasa north east coast siya at nakaharap sa new zealand (i think). maganda ang view from my room dahil nakaharap ito sa brisbane river. may pulso ang brisbane na gustong gusto ko – vibrant at buhay na buhay. hindi ako nagtataka na ito ang isa sa pinakamaunalad na syudad sa australia. sayang nga lang at sandali lang kami rito. bukas ay lilipad na kami sa townsville. may free day kami sa sabado. sana may oras para makapasyal as great barrier reef. sunday ng umaga, nasa singapoer na ulit ako. ilang tulog na lang mylab at balik na ulit ako sa piling mo. sisiguraduhin ko na aisle seat ako sa flight at sana naman wala akong katabinh nanghihipo.

3 thoughts on “PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG

  1. Gagong bumbay yun ah! Tubuan sana siya ng ilong sa kilikili niya para maaamoy na niya ang anghit niya, mangangawit pa braso niya… siyempre di niya puwedeng ipitin yung ilong niya sa kilikili, di siya makakahinga kaya laging nakaangat ang braso niya… hahaha!

    Anyway mylab, I’m just thankful na nakarating at nakaalis ka dyan ng maayos. And doubly thankful that it’s Sunday! 🙂

  2. pero to his credit mylabopmayn, after the air pocket event ay bumait siya. nag simula na siyang mag small talk. siyempre kinausap ko… tinanong niya sa akin kung saan part ako ng US nakatira. sabi ko i’m not american. but your accent is american, ang ganti niya.

    no, im swedish. ang sabi ko.

  3. air pocket – Naranasan ko na din yan going to China, biglang parang nag-dive yung plane! Nasigaw ako super dyahe tinginan sa akin yung matatandang babaeng intsik. Tingin na parang “ignoramus!”…

    anghit – Aba count your blessing na lang din na at least di sya bad breath! Mas mahirap yun me anghit na me halitosis pa, double dead ka hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *