‘PEOPLE LIKE US’

talk about regulation galore – mayron palang “registrar of societies” dito sa singapore. ito yung government body that approves all the organizations and associations in the country. so bago ka makabuo rito, for example ng “organisasyon para sa muling pagbabalik ang tambalang guy and pip“, kailangan mo munang gawin ang paperwork at ipa-approve ito sa registrar. nalaman ko lang dahil may article nung isang araw tungkol sa pag deny sa “People Like Us“. ito’y isang grupo na itinatag ng mga federasyon ng kabadingan dito sa isla. message sa kanila ng gobyerno: we tolerate the gay community pero bawal pa rin ang lifestyle ninyo.

kung gusto ninyong maaliw, read about the correspondence of “people like us” and the registrar of societies here.

3 thoughts on “‘PEOPLE LIKE US’

  1. Kaya pala napaka-obscure ng mga bading dito. Tsaka ang mga bading dito, sosy sila ha… disente ang itsura at pag nakasalubong mo sa kalsada, suplada… hehe đŸ™‚

    Pero di ko ma-gets kung bakit sila hindi puwedeng magkaroon ng organization. Sabihin na nating gustong i-control ng gobyerno ang gay activities… pero for what? Para hindi dumami ang gay or dahil offensive sa kanila ang i-flaunt ng mga gay ang kabadingan nila? Sa Pinas, andaming gay na prolific ang mga buhay. I think that’s because their first hurdle, that of being able to accept themselves as they are, is easily surpassed dahil sa permissiveness ng mga Pinoy sa mga gay. So they are able to move on to other issues in life like carving out a means of livelihood, forming meaningful relationships, and making helpful contributions to society. Tingnan mo na lang si Ricky Reyes at ang kanyang Isang Gunting, Isang Suklay program. Di ba andami nyang natulungan, gay and straight men and women alike, para magkaroon ng means of livelihood by teaching them what he knows?

    The way I look at it, ang gobyerno dito, they’re trying to nip the bud of something which hasn’t even been planted yet.

  2. di naman masyadong homophobic as before doc rod. pero still a mile away from thailand or the philippines in terms of their acceptance. it is still a crime here in singapore to be a practicing homosexual.

    hello mylabopmayn. ayaw ata nilang tanggapin pa rin sa mainstream ang mga homosexuals dito sa singapore. with the way their going, matatagalan pa siguro bago sila tanggapin. i guess it’s part of singapore’s goal for everyone to conform to a certain mold. that mold does not include the qualities of having a different sexual preference. pero, recently, mababasa mo na ang tungkol sa mga tambayan ng mga bading dito at yung lack of enforcement doon sa kanilang archaic laws sa sodomy. that in itself is a sign that they are at this point, starting to be tolerated.

    but like i said, it is still a far cry from what is happening in the philippines or thailand. but certainly better than malaysia, indonesia and brunei.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *