People are crazy and times are strange

ala una na ng madaling araw dito at gising pa rin ako. kakarating ko lang galing sa grocery dahil naubusan kami ng gatas. gatas? bwakanginangyan, americanized na talaga ako. nung nasa pilipinas kami, ang pinaka huling inom ko yata ng gatas ay nung nagnakaw kami sa kalabaw ni mang berning bahu paa nung late 70’s. si mang bernie ang school bus driver namin nung elementary at marami siyang alagang kalabaw doon sa amin sa talipapa.

hindi talaga milk drinkers ang mga asians. in fact, marami akong mga kakilala na lactose intolerant. kaya lang ako nagsimulang uminom ng gatas ay dahil hinikayat ako ni jet kasi kailangan ko raw para hindi ako magkaroon ng osteoporosis. nilalagay ko rin sa cereal at oatmeal na siyang regular kong breakfast. yan pa ang isa: who would have thought na magiging cereal at oatmeal eater ako. it seems a lifetime ago na puro tapsilog lang at kape ang almusal ko.

pero tumatanda na’t may diabetes pa kaya heto ako, parang gagong lumabas ng bahay kahit madaling araw na para lang pumunta sa grocery dahil naubusan kami ng gatas. sana pwedeng mag alaga ng kalabaw dito ano? mas madali sana. naalala ko tuloy yung joke doon sa taga maynila na nagbakasyon sa probinsya. nagtataka siya kung bakit walang lumalabas doon sa ginagatasan niyang lalaking kabayo.

22 thoughts on “People are crazy and times are strange

  1. Pareho tayo pala. Napainom din uli ako ng gatas after so many years nang mapunta ako dito sa States. For a while too, I had milk with cereals in the morning. Kaso nahinto. I seriously need to get back to that.

  2. oo, especially if you’re concerned about your health and your weight. eating a good breakfast is essential.

    that’s based on my experience the past 2 years. it really works.

  3. whole milk organic ang preference ng husband ko…kung may nakita pang cream top, yun na:) pero slowly, na-wean ko na siya to 2%, explaining that aduts no longer need the fat…

    at 53 years, he is in excellent health sa awa ng Diyos at sa kanyang philosophy sa pagkain: moderation, minimal “instant” food at kailangan “namnamin” to experience full pleasure…

  4. wow, that’s great. nagsimula rin kami ni jet sa 2% pero nag switch to 1% after a while. it doesn’t make much of a difference to me anyway. mas selective ako sa brand ng milk.

  5. My 5:00 am morning breakfast naman ay oats na sinamahan ng skim milk. 2 minutes sa microwave then I have my energy booster breakfast for the day. 6.30 kasi ang start ng office hour ko. Tapos around 9, I would eat my sandwich: sliced bread na ang palaman ay pure honey na iniipit ko sa sandwich maker na quickly ay nagto-toast sa outer part ng slice bread ko. Dito sa Qatar ang favourite ko ay yung Milkbread. Right after na mahango ko sa sandwich toaster, ilalagay ko ito agad sa resealable sandwich bag para ma-maintain nito ang freshness until I eat it by 9.00 am sa office.

    Maintained ko na ang cholesterol ko since I started doing this everyday…. sigasig pa ang kuwan ko ko, este ang lakas ko dahil less fats, more vitamins ang skim milk na ginagamit ko and more energy at ang mahalaga, hindi ako nagugutom until before lunch time kahit grabe ang office work ko.

  6. medyo lactose intolerant ako. full cream palagi ang binibili ko kasi kapag fresh milk, nagiging bespren ko ang cr. parang di ko yata kaya ang cereals fafajay. gugutumin ako agad nyan. mas ok ang oatmeal saka champorado, medyo heavy. tapos nilalagyan ko ng madaming-madaming gatas!

  7. hey mari. semi-lactose intolerant din ata ako kasi everytime akong uminom ng gatas ay lumalaks ang utot ko. medyo acquired nga ang cereal para sa mga pinoy na mahilig sa malasang pagkain kaya pinipili ko yung may fruit.

    oats and skim milk – cool.

  8. you may try mixing in ground flaxseed to your oatmeal to give it more kick (rich omega 3 source). also, i usually add dried orange flavored cranberries and sliced almonds (unsalted) para mas exciting ang lasa. available lahat sa trader joe’s (parang commercial). anyhoo, basta healthy, it’s a good thing.

  9. mukhang masarap nga kung may mix yung oatmeal ano? i do prefer plain with milk, tapos may banana or even a peanut butter sandwich if the breakfast is before my big weekend run.

  10. isa po ako sa mag readers nyu simula nun nasa singapore pa kayo.tanung lang po…im 24 pa lang pero mataas na ang sugar level ko..anu po ba ang tamang diet sa mga matataas ang sugar? anu anu po ba ang dapat kainin nang matataas ang sugar level

  11. “naalala ko tuloy yung joke doon sa taga maynila na nagbakasyon sa probinsya. nagtataka siya kung bakit walang lumalabas doon sa ginagatasan niyang lalaking kabayo.”

    panalo ka talaga idol mag patawa! 🙂

  12. e siguro kaya nga ni-relocate ka ng tadhana Pa, dahil nakatakda na mabuhay ka ng mas matagal kesa kung nanatili tayo sa Pilipinas.

    suwerte ko nga at marunong kang pagsabihan tungkol sa pag-iingat sa katawan mo. the way it goes, we can’t afford to get sick. so much is going on in our lives.

    labyu!

  13. oo nga mylab. dami pa nating pupuntahan na di natin napupuntahan kaya kailangan magpalakas ng husto. buti nga pala’t nag relocate tayo kundi mas mahirap mag control ng pagkain kung nasa singapore o pilipinas.

    lab U2.

  14. bossing dito sa amin ay average 5-6 litres a week yung consumption ng gatas, yun kasing mga anak ko nilalaklak ito. pwera pa dito yung araw-araw kong consumption ng libre gatas sa opis. pero miss ko yung gatas ng kalabaw.

  15. di din ako mahilig sa gatas. coffee lang at yosi katalo na. kung may tinda sa kapitbahay spaghetti lang, mahirap manirahan sa boarding house di pa naman ako marunong magluto at wala pa din ref

  16. Nasabi mo na na-realized mong americanized ka na ng regular ka ng umiinom ng gatas. Ako naman ay juice ang nakapag-realize sa akin na canadianize na ako. Nung bagong dating kasi ako sa Toronto ay di ko mainom ang mga juice dito dahil matapang. Alam mo naman sa atin kung mahirap ka ay hinahaluan ng tubig ang isang lata ng del monte pineapple juice para dumami at tatambakan ng asukal para hindi matabang. Ngayon ay diretso na from the can to the glass at mas masarap pala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.