PANSITAN NI ATE SIENNA

PEBBLE BEACH narito na kami sa pansitan ni ate sienna. ang sarap ng pansit dito. sariwang sariwa. hehehe. gumawa si ninang ko ng sushi at sashimi. nagluto rin siya ng paksiw na isda at sinigang na baboy. ang sarap man. maraming salamat ninang. ang bait mo talaga. salamat din kina don andres, maricel at si daisy na kasama namin dito ngayong gabi. bago kami nakarating sa pansitan ay nagbyahe muna kami ng pagkalayo layo. nagsimula kami sa monterey kung saan kami natulog kagabi at bumaba ng los angeles. mga pitong oras din. balagong nga ako dahil yung navigator kong si mylab jet eh tulog ng tulog. inggit na inggit nga ako at parang gusto ko ring matulog kaya lang baka mabangga ang kotse. hehehe. sa susunod, pag nagmamaneho ako at may natulog sa mga pasahero ko… papahiran ko ng kulangot.

4 thoughts on “PANSITAN NI ATE SIENNA

  1. Wow! Sushi at sashimi…..sulit naman pala BatJay ang pagka-balagong mo sa driving. Okay yung booger wipe method mo. Siguro, pag ganun ang rule, walang matutulog. Baka naman napagod si Jet kaya inaantok.

  2. Asan ang pictures?

    Naku, ganyang-ganyan ang ginagawa sakin ng mga sakay ko. Lahat tulog pagsakay na pagsakay sa kotse. MAgandang idea yan. I will threaten them of wiping their faces with booger. Tingnan ko kung may matulog pa. Pati yung mga nakikisakay saking mga teacher. hmmmph!

  3. Nasa states pala kayo. Siguro nadaanan n’yo ang bahay ko on your way to LA. Pag napabalik kayo dito sa No. Cali, maybe we could meet up for dinner or something.

  4. thank you for the wonderful time 🙂 and allowing me to meet my idol and touching him… it was really nice finally meting you…..and him 😀 keep in touch *hugs*

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *