ON A BODY BOARD IN HUNTINGTON BEACH

SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIER
after naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

alam ko nang pakiramdam ng mga californian surfers. alam ko na rin kung gaano kalamig ang tubig sa dagat ng california. gaano kalamig? halos mahimatay ako nang unang lumusong sa tubig. kahit naka wet suit ka eh parang walang epekto ito sa una. eventually rin eh, i did enjoy the entire experience dahil naka adjust na rin ang katawan ko. kung anumang antok ang naramdaman ko nung mag kita kami eh totally na itong naglaho. maraming mga body boarders kahapon at magagaling sila. di ko alam kung paano sila nakakasakay sa mga alon dahil panay ang ikot at taob ko sa board. para akong trumpong kanggarot. hehe. ITS MY FIRST TIME, OK? hehehe.

anyway, nag shower kami (ng MALAMIG na naman na tubig) at nagbihis sa tabing dagat. doon ko naalala na wala akong spare na underwear. kaya, umuwi akong walang brief. hehehe. buti na lang hindi naipit ng zipper ang aking… whatever. hehehe. we had drinks along huntington beach afterwards. margarita on the rocks with salt for the three of us while watching the sunset. eventually we finished the day by having dinner in this really small seaside seafood restaurant. gabi na by this time at maririnig mo lang ang malakas na paghampas ng alon sa coastline. bigla tuloy akong nag senti at naalala ko ang trip namin ng mylab ko sa dakak. at any rate, ceci and tom were great. they sacrificed their weekend to show me around when they should be spending time with their families. alam ko kung gaano sila ka dedicated sa trabaho and for them to take me around was really sweet.

all in all, yesterday was a great day for me. it was the first time i met a longtime online friend. then i had dinner with really great people i admire both professionally and personally. all these great guys showed me how much fun southern california could become. it made me stop and think that it is possible to live here with jet. or at the very least, spend time with these people for a much longer time in the future. they were really really great.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *