ANTIPOLO SUNSET

Antipolo Sunset

pag ganitong nag-iisa ako sa opisina at walang kaingay-ingay, nasesenti ako. iniisip ko ang pilipinas, ang mga naiwan namin doon, at siyempre, ang aming munting tahanan.

parati kong naaalala ang paglubog ng araw sa antipolo. tuwing may pagkakataon na lamang at pa-takip silim na: lalabas ako sa hardin ko, may kape at yosi at maghihintay ng dilim.

hay naku… kung pwede lang umuwi mamaya sa bahay, pagtapos ng trabaho dito sa opisina. yung picture na yan sa taas… iyan ang huling sunset na kinuhanan ko ng litrato. last night na namin sa pilipinas, nasa antipolo kami at babalik na kinabukasan dito sa singapore.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *