KIASU

Our SingLish Word of the Day

Kiasu (adj), pronounced ‘kee-a-soo’ – A Hokkien expression literally meaning ‘fear or dislike of losing out to others’. Generally refers to an attitude of overzealousness in an effort to be better than the next guy or not to lose face. “Kiasuism” (verb) – to make someone else lose out.

Dito sa Singapore, isang Hospital lang ang umaasikaso sa lahat ng mga SARS patients. Ang pangalan ng hospital ay Tan Tock Seng. Last weekend, may isang Hospital Executive from TTS ang pumunta sa isang sikat na Dental Clinic para magpa-root canal. Pag pasok niya sinita siya ng receptionist at inidentfy siya sa harap ng buong clinic na taga-TTS. Lahat tuloy ng mga pasyente na nandoon sa reception ay lumabas at iniwan ang kawawang ale sa loob ng clinic.

Matagal siyang naghintay sa reception area dahil yung dentista doon ay ayaw siyang asikasuhin. Finally, may isang dentista ang humarap at ni root canal din siya. Nag reklamo si Hospital Executive sa dyaryo kahapon at maraming dahilan ang binigay ng Dental Clinic kung bakit di siya hinarap ng mahusay. Masakit na nga ang ngipin, na discriminate pa. Naging point of conversation tuloy ito sa TV at dyaryo ng buong araw. Kaninang umaga ay nag-release ng apology letter ang Dental Clinic through the Streats Newspaper. Di alam kung paparusahan ang clinic ng ethics commitee ng gobyerno.

Lumalabas talaga ang lahat ng pangit sa tao pag under stress. Bago ito matapos malamang marami pang storyang ganito ang lalabas. Last week lang sa train, may nakasabay akong nurse. Siksikan sa train pero walang lumalapit sa kanya. Tumutulong na nga eh outcast pa siya. Tapos may isang nurse na buntis ang pinagbawalan gumamit ng elevator papunta sa bahay niya. Problema eh yung bahay nya ay nasa 7th floor. Reklamo ang ale – “7 months na akong pregnant, papa-akyatin nyo pa ako ng hagdan”.

May term sa Singapore ang mga tao to describe yung attitude nang isang taong “nanggugulang dahil ayaw magulangan“. Ang salita nila rito ay “KIASU”. Ang mentality nag maraming tao rito – “Kiasuism”. Ayaw mahawa ng SARS kaya magiging insensitive: lalayo pag may nakaputing uniform, tatakbo pag may umubo, gagawa ng rule ang building administrator para di makagamit ng elevator ang nurse na buntis, hindi gagamutin ang babaing may masakit na ngipin.

Maraming nurse dito sa Singapore ay Pinay. Pero kahit hindi sila kabayan eh nagiinit ang dugo pag nakakita ako ng ganitong klaseng attitude. Simula nang punahin itong masamang ugali na ito, marami nang gumawa ng tribute para sa mga Healthcare Workers. Buti naman…

SINGAPORE SARS UPDATE

Number of people…
TREATED AND DISCHARGED: 75
IN HOSPITAL: 42
IN CRITICAL CONDITION: 14
DEAD: 9
TOTAL NUMBER OF CASES: 126
INDEX CASES: 7
SUSPECT CASES ADMITTED: 82
UNDER HOME QUARRANTINE: 268
POPULATION OF SINGAPORE: 3 million

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *