ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.
tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.
isa sa mga all time paborito kong kanta ay ang “beginnings” ng chicago. ito yung 1970’s chicago bago mabaduy nang mapasok si peter “yoursoyucky” cetera. ang kantang ito ay tungkol sa isang lalaking sobrang swerte ang tingin sa sarili niya dahil nakatagpo siya ng babaing mamahalin ng porebereneber. ito ang kanta ko ngayong taon kay jet.
When I’m with you,
it doesn’t matter where we are,
or what we’re doing.
I’m with you,
that’s all that matters.
Time passes much too quickly
when we’re together laughing
kahapon, nag grocery si jet para sa panglinguhan naming supplies at pagkain. tinawagan niya ako sa opisina at tinanong kung ano ang gusto kong pasalubong. sabi ko – “wala mylab, yung narito ka lang na kasama ako ay ok nang pasalubong para sa kin”. kahit nga ako eh medyo naluha sa sinabi ko because i really meant it. hehehe. happy anniversary mylabopmayn. it’s been an exciting 14 year trip and i look forward to more adventures together. lab u.
till death do us part. salamat sa bati ate justice. more blessings din sa pamilya mo.
thanks for the bati, st. gigi. after this post, bigla tuloy akong napabili ng greatest hits ng chicago and have been listening to “beginnings” almost everyday. it is a great song.
boss dengx!!! kamusta ka na? tagal na nating pinaplano – kailan ba tayo mag kakaraoke? ngyehehe. maraming salamat sa bati mo!
hi bambit. maraming salamat sa bati. medyo late din ang pag reply. naiwan kasi’t ang daming bumati. iniisa isa ko ang sagot ngayon. ingat!
oo nga boss petite. a long long way we’ve come. thank you sa bati. sana kayo rin ni mark ay porebereneber. AMEN.
maraming salamat schatzli. sana rin pag-ibig at kaligayahan din para sa inyong mag-partner. ingat!
maraming salamat sa bati. kailangan ma-schedule mo na ang blowout mo sa no signboard. we just got word today that jet passed the california board examinations sa nursing.
miss na rin namin kayo. musta na lang.
salamat sa bati lynne. maraming salamat din sa lahat ng ginagawa mo para sa amin. bait bait mo talaga.
ate glo maraming salamat sa bati. bakit ka naman naiyak? naiyak tuloy ako dahil naiyak ka.
salamat sa bati bing. siyempre 14 yr anniversary, kailangan special ang entry. ingat!
anders,
maraming salamat sa bati at sa pagbasa ng blog entry. alam ko naman maikli lang attention span ng mga bagets.
hi arenar.thanks for the greetings. ingat! jay
thank mari. salamat sa bati. kain tayo pag uwi namin next month.
thanks AJay. sorry at medyo na late ang reply ko. i hope to see you all again pag uwi namin. huwag na sa antipolo para di kayo masyadong mahirapan. ingat!!!
thanks for the bati, misisp. i haven’t read any new blogs from one of my peborit bloggers. how are you? busy ka ba dahil opening ng school?
Maraming Salamat sa Bati Melissa – Sorry at huli na ang sagot ko pero its utot that counts naman di ba?
hi super manong. thank you sa bati. ang formula for successful marriage? love each other.
hi kat.
thanks for the greetings. sorry if it took this long for me to reply. it’s not fun and easy all the time but it is most of the time. i hope you and your husband have a great marriage as well.
ingat! jay
hi evi.
sorry for the late reply. thanks very much for the greetings. oo nga, jet and i have gone through a lot. 14 years… that’s a long time. but not as long jet’s parents who celebrated 52 years together recently.
good luck – i hope your marriage last a million years.
salamat sa bati leah. sorry at nahuli ang pagsagot… oo, mas marami ngang sex ngayon. hehehe. ayos!
hi analyse. thanks you – sana nga mas maraming adventures
hi bridgette. thanks for the greetings. don’t worry, we’ll stay sweet. sorry for the late reply. i got a ton of mail and am just starting to clear them. hirap when work gets in the way of blogging
salamat sa bati abe. bata ka pa naman yata, may makikilala ka pa naman siguro na magmamahal sa iyo ng tunay. pag wala, piliin mo na lang ang pinakamaganda. hehehe. ingat!
hi mona.
sorry for the late reply – pero better late than later ika nga nila. SALAMAT sa iyong pagbati. malambot pa rin ba ang puso mo?
Hi Jessie Bell.
musta ka na? sorry at natagalan ang reply. natabunan ang post na ito dahil daming nag comment. ngayon ko lang nababalikan. Happy Anniversary din parents mo. oo naalala ko ang mga kwento mo sa kanila – how cool they are kahit medyo may katandaan.
Ingat na lang sa iyo at maraming salamat ulit.
pre,,Happy Anniversary s inyo ni Jet.Ingat and God bless.
maraming salamat pare. next year pa naman ang 15th year namin. sana makauwi kami para makadaan diyan sa singapore. miss na namin kayo. wala nang tumatawag sa akin para mag nasi lemak o kaya magpunta sa east coast park.